MY SOON TO BE PUBLISHED STORIES UNDER PHR
6 stories
Lady's Dormitory Series 2: Campus Queen meets Tondo King (COMPLETED) by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 5,853
  • WpVote
    Votes 78
  • WpPart
    Parts 3
~SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR~ COMPLETED "And then, that was the time I found myself asking why I am so afraid of losing you if you're not even mine?" Once upon a time, there was a beauty Queen who studied in St. Mary University. She is loveless but still looking for her The One. Until one day, she met the King of Tondo. Nang tanghaling Campus Queen 2014 of St. Mary University si Mae, ay nag-umpisa na siyang tingalain at kilalanin sa kanilang school. Pero hindi doon naka-focus ang kaniyang atensiyon dahil busy siya sa pagiging nursing student. Isang araw, ay nagkaroon sila ng medical mission sa Tondo, isang lugar sa Maynila na ayon sa kuwento ay lugar daw ng mga Notorious. Pero hindi sila pumunta doon para alamin ang tunay na estado ng lugar na iyon, kundi para manggamot. But unexpectedly, she met this guy named Mallick. Ang pinaka-siga at kinikilalang Hari ng Tondo.
Ang Prinsipeng Walang Palasyo(COMPLETED) [Soon to be published under PHR] by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 13,272
  • WpVote
    Votes 143
  • WpPart
    Parts 4
~SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR~ Once upon a time, there was a princess who could not live happily ever after... Si Castle de Ayala ay miyembro ng isang sikat na clique sa Green Wood University, na kung tawagin nila ay The Royalties. Ito ang grupo na kinabibilangan ng mga tinaguriang prinsesa at prinsipe ng kanilang campus. At tulad ng ibang grupo ay may sarili din silang mga rules. Isa sa mahalagang rule na iyon ay ang tinatawag nilang 'quarterly evaluation'-kung saan papatunayan nila na karapat-dapat pa rin silang maging miyembro ng The Royalties. At ang pinakahuling 'evaluation' ni Castle sa taong iyon ay paibigin si Prince Dimaano. Ito ang kasalukuyang presidente ng kanilang Student Council. Guwapo, seryoso at masungit. Nabibilang ito sa grupo na kung tawagin sa campus ay 'low profile'. Ito ang bansag nila sa mga mahihirap na estudyante ng Green Wood. Pero nang makilala niya si Prince ay may napatunayan si Castle...Being a 'princess' is not enough to make him fall.
A K-Pop's Diary By: Lady J (COMPLETED)  by rebfiction
rebfiction
  • WpView
    Reads 6,652
  • WpVote
    Votes 383
  • WpPart
    Parts 16
Dear Diary, Lumipas na naman ang isang araw na hindi ko nakausap o kahit nalapitan man lang si Georgette. Siguro nga forever loser na lang talaga ako. Na kahit anong gawin kong pag-practice sa isip ko ay hindi ko magagawang sabihin sa kaniya o kahit iparamdam man lang na gusto ko siya. Hanggang secret admirer na lang talaga niya ako...na hindi nag-i-exist sa kaniyang paningin. Mananatili ko na lang siyang pantasya... EERO
Unconditional Love (COMPLETED)[Published under PHR] by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 186,217
  • WpVote
    Votes 1,647
  • WpPart
    Parts 11
"Na hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung 'yong taong pinagdadamot mo ay ang taong mahal mo." Maagang namatay ang mga magulang nila ni Vassyleen dahil sa isang car accident. Kaya mag-isa niyang pinalaki ang kapatid na si Valerie. Matindi ang trauma na dinanas nito dahil sa aksidenteng iyon. Kaya nong gumaling ito ay iniwasan na ni Vassyleen na bigyan ito ng dahilan para muling malugmok. Ginawa at ibinigay niya lahat kay Valerie. Pati ang sariling kaligayahan ay kinalimutan na niya. Kaya nang minsang mabigo ito sa pag-ibig at nagtangkang magpakamatay ay namuhi siya sa lalaking nagpaiyak sa kapatid niya. Hanggang sa mapadpad siya sa probinsiya ng Baler. Doon niya natagpuan ang lalaking kumumpleto sa buhay niya-si Klyv. Ipinaramdam nito sa kaniya ang pag-aalaga at pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Dahil doon kaya minahal niya ang binata. Malapit na sana silang magkaroon ng
My "I Love You" Girl (Published under PHR) by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 20,948
  • WpVote
    Votes 108
  • WpPart
    Parts 2
Si Scarlett de Asis ay ultimate stalker ng band vocalist ng kanilang school na Collegio de Sto. Niño, na si Brayden Navarro. Hindi lamang ang boses nito ang kinagiliwan niya kundi pati na rin ang personality. Sa kabila ng katotohanang may girlfriend na ang binata ay hindi iyon naging hadlang para lalong lumalim ang kaniyang pagtingin para dito. Kaya nga ikinatuwa niya nang mapansin siya ni Brayden at ang nakakaloka pa ay nalaman niyang single na ulit ito. At nong ligawan siya ng binata ay hindi na niya ito pinatagal pa, agad niyang sinunggaban ang pagkakataong iyon. Pero nagtataka siya kung bakit ni minsan ay hindi nito binabanggit sa kaniya ang magic words na 'I love You'. Hanggang sa may nalaman siya tungkol sa binata. Iyon ang naging dahilan ng kaniyang first ever heartache. Lumayo siya para makalimot.
Lady's Dormitory Series 1: Terrible Earth catch the Falling Star(COMPLETED) by phrladyj27
phrladyj27
  • WpView
    Reads 17,795
  • WpVote
    Votes 149
  • WpPart
    Parts 4
Star Lacsamana was a newly appointed Student Supreme Government or SSG President of St. Mary University. One of her duties is to uphold the diplomacy of their university. Pero hindi iyon mangyayari hanggat may mga estudyanteng lumalabag sa school' rules and regulations. Kaya hina-hunting niya ang mga ito na kung tawagin ay campus enemy. And one of her subject is the group of Earth Fuentebella, the most wanted enemy and ultimate bad boy of their school. Ngunit mukhang hindi magiging madali para sa kaniya ang patalsikin ito sa campus dahil anak ito ng may-ari at kasalukuyang president ng SMU. Subalit hindi iyon makakapigil para hantingin niya ang binata. Lalaban niya ito sa mala-Dr. Jose Rizal na paraan. Pero lagi nitong inuubos ang kaniyang pasensiya. Lalong nagalit sa kaniya ang binata nang gamitin niya itong dahilan para lubayan siya ng kaniyang solid suitor. Dagdagan pa nang malaman ni Earth na seryoso talaga siyang patalsikin ang mga ito sa SMU. And the games begin. Earth Fuentebella didn't stop making her life miserable while the process of expulsion is ongoing. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit sa tuwing nangangailangan siya ng superhero ay laging on time ang binata para iligtas siya. Hanggang sa pagsamahin sila ng tadhana sa isang kakaibang adventure. Aso't pusa pa rin kaya sila kahit nasa gitna na ng panganib? O mahuhulog sila sa isa't isa?