PHR Stories~
23 stories
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ by BridgetteMariePhr
BridgetteMariePhr
  • WpView
    Reads 110,901
  • WpVote
    Votes 2,112
  • WpPart
    Parts 34
My first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/2496/Mahalin-Mo-Ako,-Miss-DJ A childhood crush. Doon nagsimula ang lahat-lahat. Chloe fell in love with her best friend's brother, Shenald Nazarine Garcines. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon. Kahit bata pa siya, sigurado siyang ito lang ang lalaki para sa kanya. Ginawa niya ang lahat mapansin lang siya nito. Hindi siya nagdalawang-isip, niligawan niya ito. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napansin siya nito. Batid niyang may nararamdaman din ito para sa kanya dahil kung wala ay hindi siya hahalikan nito. Ayos na sana ang lahat kung hindi lang umeksena ang kanyang istriktong ama. Pagkatapos niyon ay bigla na lang nawala si Shenald. Ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbalik ito.Ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Pero kaya na kaya nitong harapin ang daddy niya at ipaglaban siya?
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances) by SofiaPHR
SofiaPHR
  • WpView
    Reads 115,473
  • WpVote
    Votes 2,950
  • WpPart
    Parts 76
Yana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex-boss niya na mainit pa sa fire noodles at nuknukan nang fuckboy. 4.Magpanggap na gilfriend ni Gideon Lee para pagselosin si Dong Uk at tigilan na ito ng mga babaeng naghahabol dito. 5.Yakapin at halikan ulit si Gideon Lee with matching hawak sa abs. 6.Puntahan ang mga romantic Koreanovela location sa Jeju Island kasama si Gideon Lee. 7.Huwag na huwag mai-in love kay Gideon Lee. Mabawi kaya niya si Dong Uk o mag-double epic fail kapag na-in love siya kay Gideon Lee? The book version is available at My Precious Precious on Facebook or www.shopee.ph/sofiaphr
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 220,431
  • WpVote
    Votes 5,013
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
GTT 1: The Ghost Next Door by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 43,220
  • WpVote
    Votes 1,913
  • WpPart
    Parts 12
Insecure si Cola dahil sa family nila, siya lang ang walang "gift" o sixth sense. Pero one night, may nakita siyang guwapong multo na nagpakilala as 'Seventeen' dahil sa Room 17 daw ito na-deads. Bumukas na ba ang third eye niya or what? (The book version of Girl Talk Trilogy 1: The Ghost Next Door is already available in bookstores. Thank you. :) )
Wonderful Journey (Published/Unedited Version/Completed) by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 110,908
  • WpVote
    Votes 1,998
  • WpPart
    Parts 11
"You're a witch, and you bewitched me with your kisses." Unang kita pa lang ni Pfiper kay Rebbel ay nahulog na agad ang loob niya rito. Sinikap niyang mapansin siya nito, alisin ang lungkot nito nang malaman niyang iniwan pala ito ng babaeng mahal nito sa araw mismo ng kasal ng mga ito. Pero sa tingin niya, kahit ano ang gawin niya ay hindi siya mapapansin nito. Labis pa siyang nasaktan dahil sa pambabale-wala nito sa kanya. Ilang linggo ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Rebbel. Ito ang bagong may-ari ng advertising company na pinagtatrabahuhan niya. Pero hindi na ito ang dating Rebbel na nakilala niya. Naging sweet na ito at tinatrato siya nang espesyal. Pero kung kailan tuluyan nang nahulog ang puso niya rito ay doon niya nalaman na naghihiganti lang pala ito sa pamilya ng pinagtatrabahuhan niya-at kasama siya sa plano nitong paghihiganti
Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version) by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 119,889
  • WpVote
    Votes 2,207
  • WpPart
    Parts 10
"Kung may parte man ng relasyon ko sa nakaraan na ipagpapasalamat kong nangyari, that was when I found out that my boyfriend cheated on me because that turned out to be the best day of my life. Because that was when I met you." Chase Sandoval was the most gorgeous and the hottest guy Una had ever seen in her entire life. Ito ang lalaking sumagip sa kanya sa nakaambang kapahamakan dahil sa paglalasing niya. Inakala niya na bukal sa puso ang pagtulong nito pero hindi pala. Ayon nga kay Chase: "Sa panahon ngayon ay wala nang libre." Kaya hayun siya-naninilbihan dito bilang maid nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkahulog ng loob niya sa binata habang tumatagal ang pagsasama nila bilang mag-amo.
SUPERNOVA (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 75,104
  • WpVote
    Votes 2,291
  • WpPart
    Parts 13
I am Sunny Esguerra, 18 and depressed. He is Levi Mitchell Hope, a living doll. And yes, in love kami sa isa't isa. Ang kailangan na lang naming gawin ay makahanap ng paraan para makabalik siya sa pagiging tao. Para sa forever namin. NOTE: The book is already published under Reb Fiction. :)
Beking Gangster [BoyxBoy] by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 14,042
  • WpVote
    Votes 347
  • WpPart
    Parts 12
Simpleng beki lang si Marian. Isa lang siyang college student sa DATU o Dr. Antonio Tambunting University. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ginawa niya ring rampahan ang walkway ng paaralan, until he met a fragment of his past. Ito si Louie, ang probinsyanong kababata niya na natutunan niyang mahalin at ipagtanggol at all cost, laban sa mga nais manakit dito. This is a groundbreaking novel that attempts to revolutionize the canon of gangster stories of our generation. At mabu-boogie wonderland ang sinumang magtatangkang charot-in ang akdang ito!
Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy] by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 14,128
  • WpVote
    Votes 535
  • WpPart
    Parts 15
Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang kuya niya. At dahil sa pagiging anak ng isang retired na sundalo at heneral, nabuhay siya sa mga bakal na prinsipyo ng ama. Ngunit nang makilala niya ang isang estudyante sa paaralang pinag-aaralan niya ay nawindang ang kanyang sistema. Ito si Percival Rommanuel Enriquez. Naging malapit sila sa isa't isa, hanggang sa unti-unti niyang nare-realize na nahuhulog na siya rito. Percy inspired Jam in ways more than one. Kaya nakagawa siya ng isang secret story book kung saan dito, malaya siyang ipahayag ang nararamdaman niya kay Percy. He entitled it, "Mahal Kita, Pero." Everything turned out to be smooth-sailing until Percy decided to change his nickname. "Jam, starting today, don't call me Percy anymore." "Ano naman ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" "Pero."
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 138,147
  • WpVote
    Votes 2,416
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...