MarlonDelaCrz's Reading List
2 stories
Chakka (Inibig Mo'y Pangit) by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 55,448
  • WpVote
    Votes 429
  • WpPart
    Parts 6
Note from the Author: Book 2 po ito ng Everything I Have. Kaya bago basahin ito, gusto kong unahing basahin ang Everything I Have dahil may ilang bahagi ng kuwentong ito na karugtong ng Everything I Have na una kong naisulat.) Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho. -Terence Kilalanin siya at ang kababata at matalik niyang guwapong kaibigang si Lando at kung paanong nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Pedestal (Ang Superstar Actor at Ako) by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 115,892
  • WpVote
    Votes 384
  • WpPart
    Parts 3
Magkaiba ang mundong ating ginagalawan. Iisa ang ating pinagmulan ngunit magkaiba ang mundong ating tinatahak. Tinitingala ka, pinagpapantasyahan, kinikiligan, iniidolo... samantalang naiwan ako sa babang tumitingala sa iyong kasikatan. Ngunit paano ngayong hindi na lang isang fan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita, alam kong iyon din ang tibok ng iyong puso. Ngunit paano magtatagpo ang mundo ko't mundo mo lalo pa't sa paniniwala ng lahat ng tao, nagmamahalan kayo ni Erin? Kailangan bang samahan kita sa mundo mo para lang tayo magkasama tayo? Kung pareho na ba tayo ng mundo ginagalawan, mapapansin mo na din kaya ako? Ipaglalaban mo na ba ang ating pagmamahalan o ipagpapalit mo ako sa natamo mong kasikatan? Paano kung maagaw ko ang ningning ng bituin mo, handa mo bang ipatalo ang mundo mo at samahan ako sa mundong alam kong liligaya tayong dalawa o pipilin mong ipaglaban ang pinaghirapan mong pedestal kapalit man nito ng pagkasira ng aking pagkatao. Isa lang ang kailangan mong piliing Pedestal? Ang pedestal na pinalilibutan ng kamera at mata ng iyong mga tiga-suporta o ang pedestal sa puso ko ngunit ipapangakong ibigay ang saya at buong atensiyon ko sa'yo?