ajeomma story
12 stories
Obra Maestra by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 11,939
  • WpVote
    Votes 538
  • WpPart
    Parts 6
Dugo ang humahalo sa natatanging putik. Umaagos ang luhang pumait sa pagkamuhi, Tagaktak ang pawis habang hinuhulma ang hugis. Sa bawat paghagod ng mga palad at daliri, huni ng kakaibang ibon ang kasabay sa paghikbi. Labing tatlong hatinggabi sa nangingitim na langit. Nakadilat na buwan ang naging piping saksi. Nakakikilabot na hampas ng marahas na hangin, sa nilikhang nabuhay at maghihiganti! Obra Maestra Filipino/Makatagalog :) Mystery-Thriller/Dark Fantasy/Horror Written by: ajeomma
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,703
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Bakanteng Nitso 4 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 155,463
  • WpVote
    Votes 1,658
  • WpPart
    Parts 5
Alister RETURNS- Bakanteng Nitso book 4 Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal. Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan. Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan! "Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak. Bakanteng Nitso 4 Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Kambal na Bagwis #Wattys2016 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 359,922
  • WpVote
    Votes 1,824
  • WpPart
    Parts 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-sutla ang kutis at ang mukha ay napakaamo. Habang ang isa naman ay kulot ang buhok na nakadikit sa anit at ang kulay ng balat ay kasing dilim ng gabi. Ano ang kapalarang naghihintay sa magkapatid..... sa KAMBAL NA BAGWIS... Cover by: Wacky Mervin (salamat po sa napakagandang cover) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Babaeng Mental by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 269,123
  • WpVote
    Votes 1,906
  • WpPart
    Parts 5
Babaeng Mental Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster! Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip! Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw. Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban. Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas! Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya! Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
HHC featuring: LEILAH anak ng diablo by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 193,829
  • WpVote
    Votes 1,553
  • WpPart
    Parts 5
Sa loob ng dalawawpu't limang taong pagsasama ay hindi pa rin mabiyayaan kahit isang supling ang mag-asawang Allen at Rebecca. Lahat ng paraan ay nasubukan na nila subalit paulit-ulit lamang silang nabibigo. Isang araw, narinig ng ginang ang tungkol sa mahusay na faith healer sa probinsiya ng San Martin. Makapangyarihan daw ito at maaaring makatulong sa kanilang suliranin. Dali-dali nilang tinungo ang nasabing lugar. Subalit hindi madaling matagpuan ang Maestro dahil ayon sa napagtanungan, walang lumang San Martin sa probinsyang iyon. Mawawalan na sana ng pag-asa si Rebecca, mabuti na lamang at may matandang babaeng nagturo kung saan matatagpuan ang kanilang pakay. Gusto nilang magka-anak. Isang munting anghel na kukumpleto sa kanilang kaligayahan. Kaligayahan nga kaya ang hatid ng anak na kanilang ninanais? Magagawa kaya nilang patayin ang paslit na sa impyerno nanggaling? Paano nila wawakasan ang... ANAK NG DIABLO? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Kikay is da Name by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 78,302
  • WpVote
    Votes 4,629
  • WpPart
    Parts 41
Franchesca Miranda ang buo kong pangalan. Frankie ang naging palayaw ko nung nag-aaral ako sa high school, pero... sa school lang! Dahil kapag nasa amin na ako ay lumalagapak na Kikay ang tawag sa akin ng mga kapitbahay. Anak ako ng inay sa isang Griego na dati niyang amo nung nagtatrabaho siya bilang serbidora. Tipikal na istorya ng isang umibig at pagkatapos ay... nganga! Ang pakunswelo na lang ay artistahin ang fez ang papa ko kaya naman beauty ang lola mo! O, 'di ba purihin ang sarili. Shemay! Kng gusto mo pang alamin ang talambuhay ko... ay naku girli... ichi-chika ko sayo. Taralets! Adventure/romance-comedy
Hidden Agenda: Paibigin ka by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 76,632
  • WpVote
    Votes 3,912
  • WpPart
    Parts 47
Naisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bumaba upang makaupo sa ilalim ng malagong puno. Naninibago pa ang kanyang katawang nasanay sa lungsod. Sa Maynila ay kotse ang pinatatakbo niya. Pahiga na siya nang marinig ang lagaslas ng tubig sa 'di kalayuan. Tumayo siya at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog. Napanganga siya sa nakita... si Elena naliligo sa sapa! Nakatayo ang dalaga kaya kitang-kita sa manipis nitong kamison ang hubog ng katawan. Nakatapat ito sa umaagos na tubig na animo dyosa. Hindi niya naiwasang hagurin ng tingin ang kaakit-akit nitong itsura. Napanganga siya at agad napalunok. Nanuyo ang kanyang lalamunan nang masigurong... walang panloob si Elena!..
HHC featuring: SEGUNDA MANO, bibili ka ba? by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 160,579
  • WpVote
    Votes 816
  • WpPart
    Parts 2
Kaya ng budget, sikat ang tatak, may kalidad ang pagkakagawa, nagbuhat sa ibang bansa at maganda pa. Kaya mas pinipiling bilhin ng karamihang nagtitipid at walang pambili ng bago. Subalit kailangan maging maingat at mapagmasid. Dahil hindi mo alam kung sino ang may-ari at naunang gumamit. Segunda mano na nabili baka....., HILAKBOT sa iyo'y ihahatid! Copyright © ajeomma All Rights Reserved
The Confessions of an Unfaithful Wife #1 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 207,840
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 4
Paano kung dumating ang pag ibig na hindi na maaaring angkinin? Lalaki lamang ba ang maaaring patawarin kapag nagkamali? Sadya bang ang paghusga ay ipinapataw agad kahit ang paliwanag ay hindi pa naririnig? Totoo ba o gawa-gawa lamang ng malisyo at makitid na isipan? Alamin natin ang unang kasaysayan ng isang... makasalanan? UNFAITHFUL WIFE CONFESSION #1- MRS. MIRAFLOR BABALA: May mga eksena at pananalitang hindi angkop sa mga batang mambabasa at may sensitibong pananaw. SPG Content. Copyright © ajeomma All Rights Reserved