mommy ajeomma book
20 stories
TAGU-TAGUAN (COMPLETED) Available On Dreame di Lainescence
Lainescence
  • WpView
    LETTURE 83,010
  • WpVote
    Voti 2,813
  • WpPart
    Parti 23
OUTSTANDING RANK #2 HORROR PHILIPPINES Kung si KAMATAYAN ang TAYA, at IKAW ang PUNTIRYA... Makikipaglaro ka pa ba ng TAGU-TAGUAN? Highest Achievement: #2 Horror #23 Paranormal #4 Mansion #1 Laro #1 Gore
Katatakutan sa likod ng bawat Alamat di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 17,423
  • WpVote
    Voti 620
  • WpPart
    Parti 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gustong-gusto mo na? Kuwentong kababalaghan at lagim ang dala? Magugustuhan mo pa kaya? Halika na at tunghayan ang naiibang bihis ng Alamat ng Pinya. Published under BSPub. (AMALGAMATION) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Buhay ko man ay 'di sapat  di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 176,744
  • WpVote
    Voti 997
  • WpPart
    Parti 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. General Fiction/ Drama Wattys2015 winner/ Instant Addiction Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ang Bahay ng Lagim di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 446,863
  • WpVote
    Voti 1,988
  • WpPart
    Parti 5
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila? May makaligtas kaya sa kanila? cover by: Wacky Mervin ( salamat po) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 157,895
  • WpVote
    Voti 1,539
  • WpPart
    Parti 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ito kaya'y, totoo? {horror stories} di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 298,795
  • WpVote
    Voti 11,556
  • WpPart
    Parti 51
Mga matatandang kasabihan..., Mga sinaunang pamahiin........, Mga paniniwalang hindi maipaliwanag kung saan at kanino nagmula...., Sinusunod pa ba..? O pinagwawalang bahala na lamang sa paglipas ng mga taon at ng makabagong panahon? Ito kaya'y totoo? Gusto mo bang maranasan upang iyong ... MAPATUNAYAN? ...ang nilalaman ng kwentong ito ay kathang isip lamang ng inyong lingkod ayon sa mga sinaunang pamahiin at kasabihang aking tatalakayin. maraming salamat po.. (*^__^*) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Kaluluwang Ligaw di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 174,081
  • WpVote
    Voti 715
  • WpPart
    Parti 2
Mystery/thriller Spiritual Isang pampublikong bus ang bumabaybay sa makitid na kalsada ng Kennon road papanik ng Baguio. Marami sa mga pasaherong lulan nito ay pansamantalang nakaidlip habang ang iba naman ay pinagmamasdan ang mga tanawin na madaanan. Nang lumiko ang bus ay nawalan ito ng kontrol. Nagtilian ang mga pasaherong lulan ng sasakyan nang walang ano-ano ay tumagilid. Nagitla si Milagros, bahagyang naibuka ang bibig subalit walang nanulas ni katiting na tinig. Nasaksihan ng kanyang dalawang mata ang pagbulusok pababa nang sinasakyang bus sa matarik na bangin. Hanggang makita niya ang sarili... nakahandusay at duguan. Patay na ba siya? At... sino ang lalaking biglang sumulpot? May butas ang magkabila nitong palad! Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Kikay is da Name di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 78,302
  • WpVote
    Voti 4,629
  • WpPart
    Parti 41
Franchesca Miranda ang buo kong pangalan. Frankie ang naging palayaw ko nung nag-aaral ako sa high school, pero... sa school lang! Dahil kapag nasa amin na ako ay lumalagapak na Kikay ang tawag sa akin ng mga kapitbahay. Anak ako ng inay sa isang Griego na dati niyang amo nung nagtatrabaho siya bilang serbidora. Tipikal na istorya ng isang umibig at pagkatapos ay... nganga! Ang pakunswelo na lang ay artistahin ang fez ang papa ko kaya naman beauty ang lola mo! O, 'di ba purihin ang sarili. Shemay! Kng gusto mo pang alamin ang talambuhay ko... ay naku girli... ichi-chika ko sayo. Taralets! Adventure/romance-comedy
KSLNBA- Alamat ng Saging- Published di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 19,339
  • WpVote
    Voti 765
  • WpPart
    Parti 3
Paano kung ang paboritong alamat ng mga bata, na syempre noong bata ka pa ay narinig o nabasa mo na ay may ibang kwento pa pala? Kwentong lagim ang dala? Halika! Samahan mo akong tunghayan ang one shot story na ito at tuklasin ang lihim sa likod ng Alamat ng Saging. Paunawa: Ang kwentong ito ay bunga lamang ng aking imahinasyon. Published under BPub- SYNTHESIS 9/11/2015 Copyright © ajeomma All Rights Reserved
MKNA1-  Ang Writer di ajeomma
ajeomma
  • WpView
    LETTURE 90,731
  • WpVote
    Voti 460
  • WpPart
    Parti 3
Alamin ang kwento ng magkaibigang lumaki sa kalsada.Nagtulungan at naging sandalan ang isa't isa. Magkasama sa hirap man o ginhawa, at sabay nangarap maging sikat na manunulat. Isang hiwaga ang kanilang natuklasan nang may makapagsabing sa sikretong lugar na iyon; sa pagitan ng malalaking ugat ng mahiwagang puno... ang kababalaghan ay nagaganap. Magkasama nilang tinungo ang gubat at sa puno ay nag-alay. Sapagkat ayon sa nakausap, kapag tinanggap iyon ng mahiwagang nilalang... ang hihilingin nila ay matutupad. Matupad nga kaya ang kanilang hiling? Ano ang magiging kapalit? Saan hahantong ang lahat? Mystery-thriller/Horror