chierls
Kyla Franchesca Javier is soon-to-be married with the man she loves, Alexander Dionell Frago. She really loves him very much. Ano pa ba naman kasi ang hahanapin mo sa kanya? Napakagwapo nito, matalino at mabait pa! Bonus na lang ang pagiging mayaman nito dahil na rin sa sariling sikap at tiyaga. Ngunit kung anong ikinaganda ng ugali nito ay mukhang hindi man lang nakuha ng demonyito nitong kapatid.
Mayabang, mahangin, pilyo, babaero, flirt, hot-headed, matigas ang ulo at sobrang nakakainis! Yan si Timothy Xander Frago. Lahat na ng masasamang ugali ay kinuha niya. Akala mo kung sino. At lagi pa siyang nilalandi! Hindi na nahiya, wala yatang pakialam kahit ikakasal na siya sa kapatid nito.
Ngunit sa araw ng kasal niya, nagbago ang lahat. Dahil sa isang aksidente, nag-iba ang ikot ng mundo. Nawala ang mga ala-ala niya. At pagkagising niya, isa na siyang Mrs. Frago.
Mrs. Kyla Franchesca Javier-Frago, at kasal siya sa nag-iisang Mr. Timothy Xander Frago.