Leeshenie
- Reads 906
- Votes 87
- Parts 34
PARALLEL PATHS OF YOURS AND MINE
Isang simpleng teenager ang namumuhay nang normal sa pangalang Gabriella Caslinara Elia Concepcion pero nagbago ang lahat nang lumipat sila ng kaniyang pamilya sa isang napakalumang bahay. Mula noon ay lagi na siyang nakakatanggap ng mga sulat na nanggagaling sa isang lalaking nagngangalang Manuel at sa hindi inaasahang pagkakataon ay umibig.
Unti-unting umibig sa isang taong hindi niya kilala o mas magandang sabihing sa taong kailan man ay hindi niya pa nakikita. Sa taong napapasaya siya sa simpleng mga sulat at sa taong nagpapakilig sa kanya at nagpapaluha gamit ang mga papel at tinta.
Pero paano kung malaman niya ang taong kaniyang unti-unting iniibig ay isang pangarap na mahirap palang makamit? O mas magandang sabihin na taong imposibleng abutin? Paano kung masabi niya sa sarili niya na matagal na pala siyang talo, sa simula palang ng laro ng tadhana? Paano kung mapagtanto niyang walang patutunguhan ang pag-ibig niya sa lalaking iyon?
Ang pag-ibig ay talagang mahiwaga. Tuklasin ang naging unang pag-ibig ni Gabriella.
Ongoing...
Photo not mine.
Credits to the owner of the pic used for the book cover.
Book cover done by Vampiriaxx.
Posted: July 06, 2020
All Rights Reserved. ®