kyrcasas
- Reads 1,059
- Votes 38
- Parts 63
Villela Series #1
Walang ibang hangad sa buhay si Maya kung hindi ang maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan. Lahat naman siguro ng tao hangad ang marangyang buhay. At iyon ang gusto niyang ibigay sa kaniyang Inay at sa kapatid na si Mela. Gusto din niyang makawala sa malupit na kamay ni Jose, ang pangalawang asawa ng kaniyang Inay. Wala na itong ginawa kung hindi ang magwala, pagbuhatan ng kamay ang kaniyang ina, at ang sumbatan sila sa mga ibinigay para sa kanila.
Dahil doon, mas lalong nag-igting ang hangarin ni Maya na magsumikap at magpakalayo-layo kasama ang kaniyang pamilya. Kaya focus siya sa pag-aaral at pagtulong sa pamilya.
Not until Severino Mauro Villela came into her life. Ang isa sa mga anak ni Don Villela na nagmamay-ari ng isang malawak na hacienda at iba pang malalaking lupa sa bayan ng San Seville.
Sinong mag-aakala ng dahil sa isang paputok may magbabago sa buhay ni Maya?