MissKEREYZI
"do you take this woman to be your lawfully wedded wife,for richer or for poorer, in sickness and in health,till death do your part!"... Ang sabi ng pari kay Juan Paolo habang ikinakasal siya sa isang mayamang anak ng hacienderong si Majah Martin..
"yes father,.. I do!".. Masiglang sagot naman ni Juan Paolo sa pari..
"you may now kiss your bride"...
Nagpalakpakan ang mga tao at ngaun ay hahalikan na niya ang kanyang asawa. Dahan dahan niyang itinaas ang belo nito at hahalikan na niya ang dalaga. Malapit na malapit na ang kanyang labi sa dalaga ng biglang may bumatok sa ulo niya at sumigaw ang isang babae..
"Paolllloooooooo,! Natutulog ka pa rin tirik na ang araw,ano ka ba namang bata ka,pinapainit mo na naman ang ulo ko..." sabi ng kanyang ina na pilit siyang hinihila pra bumangon na sa pagkakahiga...
"Mama naman eh,malapit na,konting konti na lang,ginising mo pa ko.."kakamot kamot sa ulong wika niya sa ina at tumayo na siya pra maligo...
........