Awanggan
MsButterfly
- MGA BUMASA 7,438
- Mga Boto 218
- Mga Parte 3
Sa kasalukuyan, isa lamang parte ng mitolohiya ang Awanggan. Pero sa nakalipas, ang Awangan ang isa sa pinakakinatatakutan ng lahat. Ang pagdating niya ay tanda ng pagtatapos ng marami.
Katulad ng Awanggan, ang Diamante ay tinuringan lamang na isang lumang kuwentong likha ng malikot na imahinasyon. Ngunit sa katotohanan, and Diamante ay isang matayog na bansa na namamayagpag noon sa angkin nitong yaman. Sagana ito sa mga prutas at halaman, yamang-dagat, at ang lupa rito ay di kailanman nawalan ng ani. Subalit tinuturingan itong mistikong lugar hindi lang sa temperatura rito na hindi maikakailang mababa para sa isang lugar na nasa ilalim ng tropikal na posisyon sa mundo kundi sa kadahilanang hindi ito nagagawang lapitan ng kahit na sinong may tangka ritong masama. Mistiko sa paraan na tila ito pinoprotektahan ng hindi makitang makapangyarihan sa lahat.
Ngunit ang katapusan ng lupang-tinubuaan ay tinakda na ng isang propesiya. Isang sanggol na babae ang isisilang para tapusin ang kasalukuyan...at magliligtas sa hinaharap.