nevesden
Ang kwentong ito ay para sa mga iniwan at naranasang lumipad sa ere, patnubay at gabay ng mga bitter ang kailangan para sa mga iniwan at brokenhearted na hindi MAKAMOVE ON!
Will you stay or will you walk away? Sa isang relasyon may nang-iiwan at may naiiwan. Sa pag-ibig may nananakit at may nasasaktan. Mahal niyo ang isa't isa ngunit hindi maiwasan ang mga problema at di pagkakaunawaan.
Bakit nga ba may nang-iiwan? Bakit nga ba may nasasaktan? Nagmahal ka lang naman hindi ba?
Masarap daw ang magmahal dahil para kang nasa alapaap ngunit kapag dumating sa punto na hindi mo na kaya at nasasaktan ka na tila parang gumunaw na ang iyong mundo.
Alam mo ba yung pakiramdam na maiwan sa ere? Sobrang sakit, para kang lumilipad sa ere ng walang pakpak at ng walang dahilan.
Sabi nila love is in the air . . . sabi ko naman love is in the air kasi iniwan ka sa ere.
Iniwan at sinaktan. Ako si Hera Lou na hindi makamove on sa pang-iiwan sa akin ng ex-boyfriend ko. Hanggang ngayon dinidibdib ko pa din kahit isang taon na ang lumipas. Minahal ko naman siya ah, binigay ko naman lahat pero bakit ganito iniwan niya pa din ako?
"I want you to stay but you choose to walk away . . . " wika ko sa hangin na humahampas sa akin kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang pakawalan.
Started: May 24,2015
Ended: ON-GOING
Book cover: nevesden