YoshimimagzBeato's Reading List
169 stories
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 108,027
  • WpVote
    Votes 2,485
  • WpPart
    Parts 20
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong schoolmate na si Paul Christian. Naging viral ang ginawa niyang kuwento. Pero dahil din sa kuwentong inimbento niya ay naghiwalay sina Paul Christian at ang girlfriend nito kaya nagalit sa kanya ang ultimate crush niya. Nang muling magpakita si Paul Christian kay Kring-Kring pagkaraan ng limang taon ay napag-alaman niyang nagkaroon ito ng amnesia at hinahanap ang ex-girlfriend nito. Nalaman din niyang umupa si Paul Christian ng private investigator at siya ang lumabas na "ex-girlfriend" ng binata sa imbestigasyon. Iyon din ang panahon na problemado si Kring-Kring kung saan kukuha ng pambayad para mabawi ang titulo ng bahay nila. Nakipag-deal si Paul Christian sa kanya. Simple lang ang deal na napag-usapan nila: pakakasalan niya si Paul Christian para makuha ng binata ang mana nito. Bilang ganti ay babayaran ni Paul Christian ang halaga ng titulo ng bahay ni Kring-Kring na isinanla ng kanyang kapatid. Pero hindi inasahan ni Kring-Kring na ilang linggo pa lang ang lumilipas ay bumabalik na ang dati niyang nararamdaman para kay Paul Christian. Naging sweet, mapag-alaga, at ipinaramdam ng binata sa kanya na mahal siya nito. Maganda ang naging samahan nila dahil pinaniwala ni Kring-Kring si Paul Christian na may "nakaraan" sila. Naging masaya si Kring-Kring sa kinalabasan ng ginawa niyang kuwentong-pag-ibig nila ni Paul Christian. Hanggang sa bumalik ang babaeng naaalala ng binata na minahal nito: si Veronika, ang babaeng naaalala at totoong ex-girlfriend ni Paul Christian.
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,549,508
  • WpVote
    Votes 34,642
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?
Not Another Ghost Story [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 117,977
  • WpVote
    Votes 4,961
  • WpPart
    Parts 29
About a girl who sees ghosts and a guy who doesn't believe in paranormal stuff. May third eye si Fina; may kakayahan din siyang makakita at makakausap ng mga kaluluwa. Isang kliyente ang kumuha sa serbisyo niya-si Therese. Desperado itong makausap ang kaibigan nitong nag-suicide at malaman ang misteryoso sa pagpapakamatay niyon. Ang problema ay mailap ang kaluluwang iyon-ayaw siyang kausapin at tila nakikipag-hide-and-seek sa kanya. May isa pa siyang problema-ang pakialamerong manliligaw ni Therese na si Steven. Ayon sa lalaki, isa raw siyang huwad at manggagantso na medium. Pero hindi nito nakontra si Therese nang hilingin ng babae na tulungan siya ni Steven sa misyon niya. Habang kasama niya si Steven ay panay ang pag-aasaran at pagbabangayan nila. Isa-isa rin niyang nadiskubre ang magagandang katangian nito. Kaya hindi kataka-takang isang araw ay nagising na lamang siyang nagkakagusto na sa mayabang na lalaki. Kung sana ay kasama sa special powers niya ang manggayuma... **UNEDITED VERSION **Already published
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 395,767
  • WpVote
    Votes 6,872
  • WpPart
    Parts 30
Mahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.
You're Still The One by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 159,058
  • WpVote
    Votes 3,714
  • WpPart
    Parts 20
Sa mga nakabasa na po ng story nila Andrei at Gizelle, heto na po ang kuwento ng mga kapatid nilang sina Alex at Winona. You're Still The One (Special Edition, 256 pages) By Gezille "I can't lose you. Mababaliw na ako kapag nawala ka na naman sa 'kin." Sa unang pagtatagpo pa lang, inis na si Winona kay Alex-ang panganay na anak ng boss niya. Si Alex na yata ang pinakairesponsable, pinakamayabang, pinakamapang-asar at pinakapapansin na lalaking nakilala niya. Kaya naman hindi niya naiwasang lihim na magreklamo nang atasan siya ng kanyang boss na maging secretary slash temporary trainer ni Alex habang nagsasanay ito sa pagpapatakbo ng DOBI-ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Walang ginawa si Alex kundi ang magpasaway at pasakitin palagi ang ulo ni Winona. Wala ring ginawa ang lalaki kundi ang magpa-cute sa kanya. Ngunit dahil malaki ang utang-na-loob niya sa kanyang boss, tiniis niya ang lahat at pinilit na bale-walain ang mga pagpapapansin ng lalaki. Hanggang isang araw, naubos na ang pasensiya niya. At kasabay ng pagkaubos ng pasensiya niya ay ang pagkahulog na pala ng loob niya sa lalaki. Na-in love siya kay Alex sa kabila ng pagiging pasaway nito. And she realized that was the biggest mistake she had ever done. Dahil hindi pala madaling mahalin ang pasaway na katulad nito.
Club Red 7: Aldrei (At All Times)   by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 108,796
  • WpVote
    Votes 2,956
  • WpPart
    Parts 56
Club Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 217,526
  • WpVote
    Votes 5,733
  • WpPart
    Parts 20
Tahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundisyon ang lolo niya bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Tsiken! Madali lang iyon kay Berry lalo na at ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa. Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ding agenda si Atorni kaya siya nito tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siyang pupuwede sila kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan. Pahamak talaga ang puso kahit kailan.
Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 377,746
  • WpVote
    Votes 9,748
  • WpPart
    Parts 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya ang mga iyon nang second hand sa online selling sites. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha ni Ailene nang malamang isa pala siya sa illegitimate children ng unico hijo ni Don Alfonso Banal-ang pinakamayamang tao sa Mountain Province. At may pito pala siyang half-sisters! Lahat sila ay pinamanahan ng kanilang lolo ngunit may iba't-ibang kondisyong hinihingi sa last will ng matanda bago nila makuha ang kani-kaniyang mana. Ang kondisyong hinihingi kay Ailene ay isang malaking challenge sa kanyang pagkatao. Kinakailangan niyang ma-survive ang Sagada adventure! Paano niya kakayanin ang mag-trek sa mga bundok at mag-explore sa mga kuweba kung isa siyang full-pledged city girl na may zero appreciation sa nature at punung-puno ng kaartehan sa katawan? Kailangan ni Ailene na maka-survive sa wilderness para makuha ang mana. Pero maka-survive din kaya ang puso niya sa guwapo niyang tour guide na mukhang may sekreto sa pagkatao? ***This is the unedited version so you might encounter some typo and grammar errors ***A few scenes were deleted so you better buy the published book LOL
Barely Heiressess Book 2 - Yumi  (Published 2015)  COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 167,580
  • WpVote
    Votes 4,047
  • WpPart
    Parts 12
Unedited Para makuha ni Yumi ang pamama ng kanyang Lolo, kailangan niyang tuparin ang nakalagay sa proviso -- balikan ang tinakasan niyang groom. Kailangan niyang paibigin ito at turuang magmahal. But there's a catch. Dahil ang dating mabait, caring at trusting na si Jairus McGranahan ay isa na ngayong arogante, uncaring, cynical at unforgiving. At ayaw na nito sa kanya.
EIRA (PREVIEW ONLY) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 396,847
  • WpVote
    Votes 5,423
  • WpPart
    Parts 24
Unedited version. Eira and Alex.