AuraPatriciaHermo
Sa mundong nababalutan ng kadiliman, korupsyon, krimen at droga, naging madilim ang pananaw sa buhay ni Adrian, isang batang nawalan ng isang matalik na kaibigan nang dahil sa pagkalulong sa droga. Ngunit naniniwala siya na hindi pagka-overdose sa droga ang sanhi ng pagkamatay nito, na mayroon pang mas malagim na dahilan na pumatay sa pinakamamahal niyang si Jane.
Hindi papayag si Adrian na mapupunta na lamang sa wala ang pagkamatay ng minamahal, may mas malalim pang pangyayari sa lahat ng ito,
Mas malalim pa sa lahat ng krimen at drogang bumabalot sa ating bansa.
At handa siyang alamin kung ano iyon, kahit na ikamatay pa niya ito.