veekypsd
- Reads 300
- Votes 18
- Parts 63
Kung bibilangin ang mga salita,
Na nais kong inyong mabatid.
Di ko ito mabilang ng matuwid,
Isusulat ko na lang upang ito'y mabasa.
Hindi naman ako shy type na tao,
Sa katunayan madaldal nga ako.
Pero dahil madami akong gustong sabihin,
Kailangan niyo itong basahin.
Hindi man ako bihasa sa larangan,
Ang pagsulat mula't sapol akin nang pangarap.
Sabihin niyo nang trying hard,
Yes I'm trying hard, dahil hindi lang ito basta libangan.
Sa pagsulat ay aking naibubulalas,
Tunay na niloloob ng damdamin.
Ang paghugot na madalas,
Wala akong pake kahit over acting.
Tara na't basahin ninyo,
Baka sakali sa inyong isip at puso,
Mga tula at awit kong isinulat
Magdulot ng inspirasyon at pagmulat.
****