chelbreaempress's Reading List
3 stories
Misteryo sa Wattpad by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 136,576
  • WpVote
    Votes 9,031
  • WpPart
    Parts 47
Isa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pinaka mahina sa larangan ng akademya at may malaking inferiority complex. Umiiwas sa mga tao at mas nais mag isa. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil takot na siyang ikumpara sa mga kapatid at mapagtawanan lamang. Ano ang kaya niya na hindi kaya ng iba? May makapansin naman kaya sa kakayahan niya? #2 Ang Author Si Wilma.., isang highschool student. Matalino kaya may mataas na pangarap sa buhay. Hindi pumapayag na nauungusan sa kahit na anong larangan. Naniniwala siyang kung kaya ng iba ay kaya rin niya. Ngunit saan siya dadalhin ng kanyang ambisyon? Magagawa ba niyang piliin ang tama o ang mali para lamang matupad ang nais? Ang kwento kaya nila ay katulad ng....... sa iyo? (imahinasyon lang po ito ni ajeomma) All Rights Reserved
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 313,884
  • WpVote
    Votes 1,550
  • WpPart
    Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 367,068
  • WpVote
    Votes 3,902
  • WpPart
    Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved