The Real Cliché
The most used story ever.
Sabi nila, pag nag bilang ka raw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na araw at sinabi mo ang hiling mo, magkakatotoo raw ito. Ang hirap maniwala sa mga pamahiin na 'yan, pero wala naman masama kung susubukan 'di ba? Malay natin magkatotoo ang hiling ko na sana....magustuhan mo rin ako.
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap ang kanilang one true love at idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido...
Sabi nila, kapag daw ginawa mong wallpaper ang picture ng taong mahal mo sa cellphone mo at walang nakakita nito within 15 days, magkakatuluyan daw kayo. Teka teka, naniniwala ka ba don?
May forever nga ba? O dapat na natin itigil ang kahibangan sa paniniwala sa salitang 'yan?