m0cha03
Sa bagong release na online game na God's Quest, si Regis ay nakilala ng ilan bilang isa sa mga player na malalim ang pagka-interest sa laro. Maging class, skills, items, dungeons, monsters o lore man ito ng laro, walang nakakalagpas sa kanya ng hindi ito napag-aaralan. Kaya siya ay nabansagan na wikipedia ng laro at isa sa mga manlalaro na hindi nawawala sa top 5 highest level sa kabuoan ng history ng laro. At bukod sa pinakita nyang pagmamahal sa laro, marami din siyang nadiskubre na nakatulong sa mabilis na pag-usad ng ibang manlalaro. Ngunit nung panahong nag-sisimula ng makitaan ng potensyal ang laro para magka pro-scene, bigla nalang siyang naglaho.
Pagkatapos ng halos dalawang taon na pagkakawala, dala ang mga nakaraan niyang karanasan at mga nalalaman ang kanyang presensya ay muli ulit mararamdaman sa loob ng laro.
Samahan siya at alamin ang dahilan ng kanyang pagbabalik patungo sa God's quest ng laro man, o ng tunay na buhay.