MoonlightSmiley
CHAPTER 1 - Naniniwala Ka Ba sa Panaginip?
Maraming tao ang naniniwala sa siyensya, sa katotohanan na nakikita at nararamdaman. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may bahagi ng buhay na hindi kayang ipaliwanag ng logika-ang panaginip. Ito ang mundo kung saan ang emosyon ay mas totoo kaysa salita, at ang alaala ay bumabalik nang hindi mo iniimbitahan. Ang panaginip ay hindi lamang produkto ng pagod. Minsan, ito ay tila tulay-isang daan papunta sa isang lugar na hindi mo maalala ngunit pamilyar mong nararamdaman.p
May iba't ibang uri nito: ang Retrieval Dream na humuhugot ng lumang alaala, ang Subconscious Reminder na kumakatok sa isip mo, at ang Déjà Rêvé kung saan ang panaginip ay tila dati nang nangyari. Sa simula, hindi mo ito bibigyan ng pansin. Ngunit kapag may isang taong paulit-ulit lumilitaw sa bawat pag-idlip mo-na parang kilala ka nang higit pa sa sarili mo-paano mo pa ipapaliwanag iyon?peeeëy