Thousand_Sunny's Reading List
2 stories
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,217
  • WpVote
    Votes 46,625
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!
ELEMENTO | Raw/Unedited by GilLandicho
GilLandicho
  • WpView
    Reads 1,363,343
  • WpVote
    Votes 37,364
  • WpPart
    Parts 164
PUBLISHED BY POP FICTION ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kailangan pang pahirapan ang sarili. Maniwala ka man o hindi, nandyan lang sila sa tabi-tabi... Ang mga ELEMENTO. ---- Apoy. Paulit-ulit ang bangungot ni Gino Ivan Lazaro gabi-gabi. Marami ding mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na tanging isang nagsasalitang itim na pusa ang nagbigay linaw. Nasa panganib ang kanyang buhay dahil sa isang kulto na nais siyang ialay upang muling buhayin si Gunaw, ang masama at malupit na datu na naghasik ng lagim noong bata pa ang Pilipinas. Magagawa bang makatakas ni Gino sa tinakdang masalimuot na kapalaran? Lupa. May isang engkanto ang nagkagusto kay Clarissa Gutang. Nagawa nito magpanggap at gayahin ang anyo ng taong lihim na minamahal ni Clarissa. May darating bang Knight-in-shining armor para Clarissa o tanggapin na lang niya ang alok ng malignong manliligaw? Hangin. Nakakakita ng mga multo si Junio 'Jun-Jun' Sta Maria. Araw-araw padami ng padami ang mga ito dahil lahat ng makita niya ay sumusunod sa kanya pauwi. Nakakarindi ang mga iyak at paghingi ng tulong ng mga multong ito. Nalagay sa panganib ang buhay ng isang tao na mahalaga sa kanya dahil sa isang multo. Kakayanin ba ni Jun-Jun huwag itong pansinin o tuluyan nang buksan ang pandinig at intindihin panaghoy ng mga multo sa paligid?