Afroditi_Illiana's Reading List
15 stories
Fight For Love - Riza Tayag by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,440
  • WpVote
    Votes 151
  • WpPart
    Parts 11
Simpleng bagay lamang ang dapat gawin ni Shaira ayon sa pakiusap ng isang kaibigan: Kunwari ay siya si Shiela, kakaibiganin niya si Arrex Domingo, bibigyan niya ito ng pag-asa, at saka iwanan sa oras na kailanganin siya nito. Ngunit hindi ganoon ang nangyari-dahil nahulog nang husto ang loob niya sa guwapo at simpatikong binata. Napagtagumpayan man niyang layuan ito ay naiwan naman ang kanyang puso sa piling nito...
Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED) by xoKALELxo
xoKALELxo
  • WpView
    Reads 73,692
  • WpVote
    Votes 1,466
  • WpPart
    Parts 10
(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not sure, matagal na 'to. Pero basta malalaki na kayo, haha jk* May bagong misyon si Xynthia bilang agent sa isang private agency at may makakasama siyang isang guwapong hombre sa misyong iyon-si Denver, na kung tumitig sa kanya ay nakakawala ng konsentrasyon. Pati hangin niya sa katawan ay nawawala kapag nasa tabi niya ang binata. Weird, she thought. Wala pang lalaki ang nakapagparamdam sa kanya ng ganoon at sa kasagsagan pa ng isang misyon nila. Pero alam niyang hindi siya dapat magpaapekto rito, they were together because of their job. At hindi iyon dapat mahaluan ng romance... well, hindi nga ba? DISCLAIMER: I wrote this years ago, and this isn't the final product which the editor had worked on. So, please patawarin niyo ko sa mga errors, cringe, and whatnot hehe. Published under PHR - 2013
His Jaded Heart by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 183,351
  • WpVote
    Votes 5,111
  • WpPart
    Parts 29
Andrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache. Kaya ba ng powers ko na mapukaw muli ang kanyang puso? Para kasing mahirap magtago ng feelings sa harap ni Troy. "Is there something you're hiding from me, Drew?" minsan ay tanong niya. "Hindi mo na kailangang malaman." "You can never hide anything from me. Remember that." "Mukhang wala na akong choice kundi magsabi sa iyo. But promise me one thing, you won't get mad." Kay ako ba? Huminga muna ako nang malalim. Isa, dalawa, tatlo... "I like you!" There, nasabi ko na kay Troy ang feelings ko sa kanya. Sa kuwento namin ng isang makulit at isang masungit, may "I do" kayang masungkit?
RUN TO YOU (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 34,167
  • WpVote
    Votes 625
  • WpPart
    Parts 13
"Ang akala ko nabaliw na ako, pero nagkamali ako. Puso ko pala ang nabaliw sa 'yo." Nang mamatay ang ama ni Glecerie ay mayroon itong napakalaking ipinamana sa kanya-utang. Kaya bilang isang responsableng anak, iisang paraan lang ang naging solusyon niya-ang tumakas. Sa kanyang paglayo, nagtagpo ang mga landas nila ni Brad-isang modelong may tinatakbuhan din. Pinayagan siya ng lalaking sumama, pero kailangan niyang magsilbi rito bilang personal maid. Sa pagbubukas ni Brad ng pinto para sa kanya, hindi inaasahang pareho ring nagbukas ang kanilang mga puso para sa isa't isa. Paano tuluyang magtatagpo ang kanilang mga puso kung ang mga bagay na pareho nilang tinatakbuhan ay pumagitna sa kanilang dalawa?
THE MAN WHO BROKE AND FIXED MY HEART (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 54,975
  • WpVote
    Votes 1,051
  • WpPart
    Parts 10
"Paano kung sabihin ko sa 'yong may nararamdaman pa rin ako para sa 'yo? Would that give me the right to kiss you?" Inabutan si Candice ng kamalasan sa daan habang pauwi sa kanilang probinsiya. At nang mga sandaling iyon ay wala siyang ibang malapitan kundi si Bree lang. Pero sa halip na tulungan siya ay tinukso siya ng lalaki tungkol sa kanilang nakaraan at hinamon na kung talagang wala na siyang nararamdaman para dito ay sasama siyang magbakasyon sa rest house ng pamilya nito. Sa kagustuhang ipamukha kay Bree na matagal na itong burado sa kanyang sistema ay kinagat niya ang hamon. Pero mukhang totoo nga ang kasabihan na first love never dies. Nang sa wakas ay nagdesisyon siyang bigyan ng second chance ang kanilang pagmamahalan ay saka naman natuklasan ni Candice ang totoong dahilan kung bakit ito nagbabakasyon. May tinatakasan si Bree!
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,235
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 304,524
  • WpVote
    Votes 7,530
  • WpPart
    Parts 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay sa kanya ni Pio ang lahat ng kailangan niya. But there was a catch: Sa ayaw niya at sa gusto, araw-araw niyang makakasalamuha si Vicente Banaag, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis-labis. Bakit hindi? Noon ay walang awa nitong dinurog ang inosente niyang puso. Ngunit wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Gagawin din ni Vicente ang lahat para iwasan siya. Hindi rin nito gustong makita siya araw-araw. Ang hindi nila alam, may niluluto ang Bud Brothers...
Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 251,482
  • WpVote
    Votes 5,647
  • WpPart
    Parts 21
May misyon sa Bud Brothers Farm si Betsy: Susubaybayan at aalamin ang lahat-lahat tungkol kay Wayne Alban, ang misteryosong boyfriend ng kanyang amo. Unang araw pa lang niya roon ay pumalpak na siya nang madaganan at masira niya ang precious hibiscus hybrid ng lalaki. Nangangatal man ang lahat-lahat sa kanya ay umamin siya rito ng kasalanan. "Kahit ano ho ang iparusa n'yo sa akin, tatanggapin ko, mapatawad n'yo lang ako," sabi niya sa dark and utterly mysterious na si Wayne. "Okay. Be my wife," sabi nito. Gilalas siya. Parusa ang hinihingi niya, hindi biyaya!
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 180,384
  • WpVote
    Votes 4,391
  • WpPart
    Parts 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa yata siyang sunugin ng mga ito nang buhay dahil nga naniniwala ang mga ito na isa siyang aswang. Enter Carlo, her Lilliputian knight. Buong gilas siya nitong ipinagtanggol sa mga nang-aakusa sa kanya. "Mga katoto, aswang man po ay may karapatan sa due process, ayon sa Saligang Batas ng bansang Pilipinas!" buong giting na wika nito. Itinalaga pa nito ang sarili na maging tagabantay niya. Kapag daw nahati ang katawan niya, ito na ang bahala sa maiiwan niyang kalahati. Mahilig daw ito sa magagandang legs.
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 156,023
  • WpVote
    Votes 3,305
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinagsamahan ng dalawa. Para mapagbati niya ang mga ito, kakailanganin niya ang partisipasyon at kooperasyon ng nag-iisang anak ni Don Pepe-si Rei Arambulo, ang lalaking kaaway na niya since the dawn of her puberty. Simple lang ang plano niya. Magkukunwari sila ni Rei na may relasyon. Kapag nalaman ng kani-kanilang ama na magiging magbalae ang mga ito, imposibleng hindi mag-usap ang dalawa. Himala ng mga himala, pumayag si Rei sa plano niya. At kalamidad ng mga kalamidad, nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang palabas ay nag-malfunction na ang puso niya- biglang tumibok para kay Rei. By the time na inia-announce na ang kanilang pekeng engagement, hindi na fake ang damdamin niyang walang katugon. It's just a broken heart. Broken hearts still beat. I'll live. Kaya?