RavenSheaneLimpiada's Reading List
2 stories
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,442
  • WpVote
    Votes 4,004
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 384,110
  • WpVote
    Votes 5,777
  • WpPart
    Parts 24
A Moment With You By Juris Angela "Thank you for making my dream come true. I can fly even without a magic carpet. All I need is you." Jasmine lived like a princess. Sa yaman ng pamilya niya, kayang-kaya niyang makuha ang lahat ng naisin niya. Gayunman, nananatiling may hungkag na bahagi sa pagkatao niya-ipinagkakait sa kanya ng kanyang ama ang kalayaan na mamili ng lalaking mamahalin niya. Kung kani-kaninong anak ng kumpare nito siya inirereto. Sa tuwina ay kung ano-anong paraan ang ginagawa niya para lang matakasan ang mga inirereto sa kanya. Sa minsang pagtakas niya ay nalagay siya sa isang alanganing sitwasyon. Mabuti na lang at iniligtas siya ng isang guwapong estranghero-si Allen. Animo isa itong Prince Charming dahil sa angking kakisigan nito. Iyon nga lang, sa halip na pamunuan ang isang kaharian ay isang kakarag-karag na jeep ang pinatatakbo nito. Gayunman, hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob niya rito. At nang magkahiwalay sila ay nanatili itong laman ng puso at isip niya. Lumipas ang ilang taon. Isang bagong Allen ang bigla na lang nagpakita sa kanya. Ang dating jeepney driver, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang malaking kompanya. He turned into a real Prince Charming now. Handa na sana siyang maging reyna ng kaharian nito kung hindi lang niya nalaman na huwad pala ang pagkatao nito...