grimmreaper18
- Reads 9,793
- Votes 594
- Parts 48
Nang maging Dark Warden si Emrys, isang bagay lang ang ninanais niyang makamit: at iyon ay ang makalabas sa Dark Dimension kasama ang hindi mabilang na mga demonyong ngayon ay sumasamba na sa kanya. Sa pag-aalalang hindi ma-protektahan ang mag-ina mula sa lagim na dala ng labindalawang diyos, muling isinakripisyo ni Emrys ang malaking parte ng kapangyarihan niya. Muling nagkasundo sa mga demonyo na tulungan siyang makalabas, hindi bilang buong siya kundi kalahati lamang ng kanyang kamalayan at kapangyarihan sa loob ng isang binata.
Subalit sa hindi niya malamang dahilan, ay nagtatanim pala ng galit sa kanya ang anak niya. Kaya't upang hindi siya mapalayo rito at maayos niya itong ma-protektahan, itinago niya ang tunay na pangalan at ipinakilala ang sarili bilang isang kaibigan. At sa imbento niyang pangalan, sinamahan niya ang kanyang anak sa Magistral Temple upang doon maayos na makapag-aral maging adventurer.
Habang ang puwersa ng labindalawang diyos...
...ay dahan-dahan na ring gumagapang papalapit.
__