PilosopoTonio
Minsan sa buhay ng tao hindi na natin pa iniisip kung tama o mali ba ang ating ginagawa, kung nakasasakit na ba tayo ng tao. Natural lamang sa atin na manghusga kahit na hindi natin lubusang alam ang buong pangyayari sa likod ng bawat kwento. Ngunit paano nga ba namumuhay ang mga taong laman ng ating panghuhusga? Sa likod ba ng mga panghuhusga ay nakakaya pa nilang lumaban sa buhay kahit na natatangi sila, na ating dini-diskrimina?
Tunghayan natin ang isang komposisyong naglalaman ng iba't ibang kaalaman kung anong buhay ang kanilang kinakaharap sa likod ng pagiging matatag sa iba't ibang uri ng pangungutya sa tulad nilang nasa "third sex."
Pantay-pantay na kasarian, ano nga ba ang kahulugan?