What I've read good I
166 stories
Tipsy In Love [COMPLETED] #Wattys2018 Winner - The Wild Cards Category by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 727,461
  • WpVote
    Votes 16,301
  • WpPart
    Parts 20
"Judging from your reaction, I could guess you still remember me," sabi ni Evan nang magkita sila sa opisina ng matchmaking agency na pinagtatrabahuhan ni Miles. Paano ba niya makakalimutan si Evan de Ocampo? Ang ubod ng guwapo pero bully na schoolmate niya noong elementary na madalas mang-asar at magpaiyak sa kanya. Ang lalaking hinihinala niyang nagpalabas sa school theater nila ng kahiya-hiyang video niya noong gabing malasing siya sa isang birthday party. At ang kaisa-isang lalaking minahal niya at patuloy na minamahal sa kabila ng katotohanang sinaktan at ipinahiya siya nito eight years ago... ***Unedited
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart by _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    Reads 121,572
  • WpVote
    Votes 2,684
  • WpPart
    Parts 13
[First love never dies...] For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito. Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito. She did not expect she would fall in love with him. Again...
I Love You To Death [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 157,000
  • WpVote
    Votes 5,498
  • WpPart
    Parts 46
Imbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba't-ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makakuha ng customers. Nang sa palagay niya ay nakakaungos na siya ay bigla namang sumulpot si Miguel, ang super hot guy na bagong embalsamador sa punerarya ni Aling Poleng. Kaya tuloy dinumog ng mga mahaharot na babae ang punerarya ng matanda at mukhang willing ang mga babae na mamatayan ng kapamilya para lang makapagpa-cute sa guwapong embalsamador. Bigla ay nauungusan na siya ng kalaban. Hindi niya matatanggap kung sakaling ma-bankrupt ang business niya nang dahil lang sa six-pack abs ni Miguel. Kaya naman sinubukan niyang i-pirate ito ngunit hindi pumayag ang binata. Sukdulang gamitin niya ang kanyang alindog para akitin si Miguel upang lumipat ang binata sa kanya. Kaya lang imbes na maakit sa kanya si Miguel ay siya ang naakit dito. Bigla ay natuklasan na lang niyang "patay na patay" na siya sa binata. Buhayin kaya ni Miguel ang pag-asa niyang umibig muli o patayin na nito nang tuluyan ang puso niya? ***THIS IS THE UNEDITED VERSION***
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 336,905
  • WpVote
    Votes 7,557
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
On The 25th of October by xxChinChin
xxChinChin
  • WpView
    Reads 302
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 1
Ikaw na yan, pinakawalan ko pa. date started: Feb. 19, 2017 finished:Feb. 26, 2017
RED (Aragonza #1) by JhingBautista
JhingBautista
  • WpView
    Reads 7,692,867
  • WpVote
    Votes 186,119
  • WpPart
    Parts 46
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,357
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?
Take Me or Leave Me - A 10-Chapter Story (COMPLETE) by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 287,780
  • WpVote
    Votes 5,692
  • WpPart
    Parts 13
Evan, a happy-go-lucky rich guy. Sa kabila ng guwapo niyang mukha at mapang-akit na ngiti ay nagtatago ang isang lalaking may itinatagong galit...galit sa isang babaeng sumira sa pamilya nila...sa isang babaeng mababa ang lipad. Dahil noong bata pa siya ay ipinagpalit sila ng kanyang ama para sa isang babaeng bayaran. Tinalikuran sila nito para sumama sa isang babaeng walang ipagmamalaki. Oh, how he hated his father so much. At hinding-hindi siya tutulad dito. Hindi siya magmamahal, at mas lalong hindi siya iibig sa maruming babae. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakilala ni Evan si Magda, isang babaeng nagtataglay ng maamong mukha...isang babaeng hindi na maalis-alis sa isip niya...isang babae na sa huli ay kailangan niya rin palang pandirihan at layuan, dahil ang babaeng iyon ay walang ipinagkaiba sa maruming babae na sinamahan ng kanyang ama. Pero paano niya lalayuan si Magda kung nauna na itong lumayo sa kanya? At bakit parang gusto niya itong sundan, pigilan at ikulong sa mga bisig niya? Ngunit kakayanin nga ba niyang mag-alaga ng isang kalapating mababa ang lipad?
Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love) by LittleRedYasha
LittleRedYasha
  • WpView
    Reads 75,718
  • WpVote
    Votes 2,894
  • WpPart
    Parts 15
My Affair With The Grumpy Guy (Some Type Of Love) By Sharmaine Light/ LittleRedYasha All Rights Reserved © 2016 Synopsis: Ally was hopelessly in love with her bestfriend, Gino. Ang cliché, 'no? Ganoon nga yata talaga ang buhay. Ilang beses man niyang subukang kalimutan ang nararamdaman niya ay hindi talaga niya mauutusan ang puso niya. Meron nang babaeng minamahal si Gino. Ang kaso, hindi boto ang mga magulang ng babae sa kaibigan niya at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa. Dapat ay magsaya na si Ally dahil tila kampi sa kanya ang tadhana. Pero ayaw naman yatang magpapigil ng dalawa. Hayun, at nagkipagtanan si Gino sa nobya nitong si Ghia. Siya naman ngayon ang namumroblema. Dahil hindi naman siya pinapatahimik ni Gael, ang kuya ni Ghia na saksakan nga ng gwapo pero saksakan din ng sungit. Pinipilit siya nitong paaminin sa kung saan daw dinala ng magaling niyang kaibigan ang kapatid nito. Eh, sa wala talaga siyang alam! Nagbanta pa ito na mapapahamak daw si Gino kapag hindi siya nakipagtulungan dito. Walang choice si Ally. Magkasama sila ngayon ni Gael na hanapin ang dalawa sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas. Gagawin niya iyon para sa pagmamahal niya kay Gino. Pero habang lumilipas ang mga araw, parang ibang pangalan na yata ang isinisigaw ng kanyang puso. Parang hindi na 'Gino'. Sounds like 'Gael' na.
Territorio de los Hombres 3: Julian Inocentes by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 89,632
  • WpVote
    Votes 2,102
  • WpPart
    Parts 9
"I was supposed to drink the night away to forget you but I changed my mind. I thought it would be better to go home and reminisce all our good times together in this house. Kita mo na? Nagiging corny ako dahil sa 'yo." Miyembro si Mildred ng siang grupo na naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pinoy. Natuklasan niyang mula nang itaya ang Territorio de los Hombres ay naubusan na ng patubig ang mga magsasaka at humina na rin ang angkat ng isda sa halos buong lalawigan. Ninais niyang kausapin ang pamunuan ng Territorio ngunit inignora lamang siya ng mga ito. Ang hinala niya ay may illegal na Gawain ang mga ito na nakakasira sa kapaligiran. Iyon ang dahilan kung bakit nag-organisa siya ng rally. Agad naman nakakuha ng restraining order abng mga taga-Territorio. Ngunit siya, si Mildred Dimayuga, anak ng matapang na magsasaka, ay hindi kayang pigilan ng isang kapiranggot na papel lamang. Subalit isa sa mga may-ari ng Territorio ang nam-blackmail sa kanya-si Julian Inocentes. Idedemanda raw siya nito at isasama ang lola niyang mabulok sa bilangguan. Wala siyang choice kundi gawin lahat ng nais nito. At ginawa siya nitong katulong. Higit na naging mahirap ang kanyang trabaho sa bahay nito kalaunan, sapagkat natagpuan niya ang sariling nagseselos sa nobya nitong isang soap opera star. Anak ng kalungkutang buhay talaga!