clianjelo
"Hindi niya inakalang sa paghabol niya ng pangarap, puso niya pala ang mauuna sa biyahe."
Si Ysabelle, isang probinsiyanang sanay sa simpleng buhay, ay lumuwas sa Maynila para abutin ang kanyang pangarap at makahanap ng mas magandang kinabukasan. Hanggang sa mapunta siya sa Bonifacio Global City ang siyudad ng mga ALTA.
Pero sa gitna ng matataas na gusali at modernong lungsod, dalawang lalaki ang biglang gugulo sa tahimik niyang mundo:
Justin ang gwapo pero supladong manager ng coffee shop na pinapasukan niya na may lihim na pagtingin sa kaniya.
Luke ang artistahin at goofy na celebrity customer na crush niya, na parang laging may sariling mundo. Pero may matinding sikreto na itinatago.
Isang aksidente, isang publicity stunt ang maglalagay sa kaniya sa mas komplikadong sitwasyon.
Dalawang lalaki. Iisang puso. Isang nakakatawa, kilig, at heartwarming na love story na puno ng coffee spills, misunderstandings, at hindi inaasahang plot twists.
Sa huli..
Sino ang pipiliin ni Ysabelle?