MalouCasas's Reading List
4 stories
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR)
PHR_Novels
  • Reads 664,589
  • Votes 12,231
  • Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?
A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR) by PHR_Novels
A Moment With You COMPLETED ( Published by PHR)
PHR_Novels
  • Reads 380,429
  • Votes 5,711
  • Parts 24
A Moment With You By Juris Angela "Thank you for making my dream come true. I can fly even without a magic carpet. All I need is you." Jasmine lived like a princess. Sa yaman ng pamilya niya, kayang-kaya niyang makuha ang lahat ng naisin niya. Gayunman, nananatiling may hungkag na bahagi sa pagkatao niya-ipinagkakait sa kanya ng kanyang ama ang kalayaan na mamili ng lalaking mamahalin niya. Kung kani-kaninong anak ng kumpare nito siya inirereto. Sa tuwina ay kung ano-anong paraan ang ginagawa niya para lang matakasan ang mga inirereto sa kanya. Sa minsang pagtakas niya ay nalagay siya sa isang alanganing sitwasyon. Mabuti na lang at iniligtas siya ng isang guwapong estranghero-si Allen. Animo isa itong Prince Charming dahil sa angking kakisigan nito. Iyon nga lang, sa halip na pamunuan ang isang kaharian ay isang kakarag-karag na jeep ang pinatatakbo nito. Gayunman, hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob niya rito. At nang magkahiwalay sila ay nanatili itong laman ng puso at isip niya. Lumipas ang ilang taon. Isang bagong Allen ang bigla na lang nagpakita sa kanya. Ang dating jeepney driver, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang malaking kompanya. He turned into a real Prince Charming now. Handa na sana siyang maging reyna ng kaharian nito kung hindi lang niya nalaman na huwad pala ang pagkatao nito...
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed) by IamAyaMyers
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
IamAyaMyers
  • Reads 1,124,392
  • Votes 10,865
  • Parts 26
Precious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng singer ang nagdesisyon na kailangan ng binata ng bodyguard.
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED) by gabreiv17
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)
gabreiv17
  • Reads 101,621
  • Votes 1,706
  • Parts 10
Mula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay nangako na siya sa sariling hinding-hindi na uli magpapapasok ng estranghero sa buhay niya. Ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection mula sa kahit na sino. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa buhay niya ang pansamantalang kapit-bahay niya. He teased her, followed her and made her see him. Tinuruan siya nitong ibaba ang depensang iniharang niya sa puso niya. She was beginning to enjoy having him in her life nang biglang sumulpot ang mga magulang niya. Ang akala niya ay mabibigkisan ang nasira nilang relasyon pero walang habas na hiniya siya ng mga ito. Nalaman niyang si Wade ang may pakana ng pagkikita nilang iyon ng mga magulang niya. Dahil sa matinding sakit ng ikalawang rejection ng sariling pamilya ay dito niya ibinunton ang lahat. Itinaboy niya ito gaya ng pagtataboy ng pamilya niya sa kanya. May pag-asa pa kayang maghilom ang mga sugat niya? Magawa pa kaya niyang patawarin hindi lamang ito kundi maging ang sarili niya?