Aysaka
EVERYTHING IS POSSIBLE. Napatunayan ko ito ng maramdaman kong mahal ako ni Dylan. Ako na hindi naman pansinin, ako na hindi naman totally'ng mayaman. Ako na hindi naman saksakan ng ganda. Ako na nagiisip na malabong magustuhan niya. Akalain niyo at posible pa lang maging kami? Pero sa kabila ng iniisip kong perfect relationship, posible rin palang masira pa ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Posible ring masaktan ka pala ng sobra ng hindi mo namamalayan. Posible ring maiwanan ka sa di mo inaasahang pagkakataon. Posible ring akala mo move on ka na pero di pa pala. Ang daming possibilities no? But anyway, ganyan talaga eh. Pero alam niyo anong kinaganda ng lahat ay possible? Yun yung posibilidad na kahit nagkasakitan na, nagkahiwalay, nagkalayo, posible ring maibalik ang lahat. At possible yung maibalik, ng isang halik.