Andie Hizon PHR
13 stories
Trinity's Yesterday and Today by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 66,112
  • WpVote
    Votes 1,194
  • WpPart
    Parts 10
Sequel po ito ng Ladies' Man meets Toni Villanueva :)
Nandiyan Ka Na Naman by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 29,698
  • WpVote
    Votes 609
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi ko kayang hindi ka isipin. Hindi ko kayang hindi isipin kung ano ang ginagawa mo, at least once a day." Bumalik sa Pilipinas si Anne para i-organize ang sixtieth birthday party ng ina ng nobyong si Paolo. Pero aksidenteng nagkita uli sila ni Max, ang first boyfriend niya na nakipaghiwalay sa kanya dahil sa hindi pagsang-ayon na pumunta siya sa Canada para makatulong sa problema ng kanyang pamilya. Anne thought she had moved on with her feelings toward Max. Pero hindi niya maiwasang maging apektado sa presence nito tuwing tila sinasadya ng tadhanang magkita sila. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nagseselos siya sa babaeng napapaugnay kay Max. At naiinis siya kapag naririnig ang isang kantang nagpapaalala sa ugnayan nila noon. Hanggang sa magkasama sila ni Max sa iisang lugar ay naramdaman ni Anne na may sparks pa rin sa pagitan nila. Pero pilit iyong binale-wala ni Anne. She had Paolo now. Kaya nang mag-propose ang nobyo ng kasal ay dali-dali niyang tinanggap. Pero magagawa pa ba ni Anne na magpakasal kay Paolo kung biglang tumutol si Max at aminin na mahal pa rin siya nito hanggang ngayon?
The Ladies' Man meets Gabby Junio by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 61,534
  • WpVote
    Votes 1,307
  • WpPart
    Parts 10
"Tatanggapin ko ang pag-ibig mo nang buong-buo at susuklian ko pa nang sobra-sobra." Nagtamasa ng marangyang buhay si Gabby sa piling ng mga Dizon-ang pamilyang kumalinga sa kanya. Ngunit isang krimen ang bumago sa buhay niya. She was sixteen when her Mommy Myrna and Daddy Ardo died. May mga magnanakaw na sumalakay sa bahay nila at pinatay ang pangalawa niyang mga magulang. Ang masakit, isang kaibigan niya ang sangkot sa pagpatay sa mag-asawa. Dahil doon kaya lalong lumayo ang loob ni Abel sa kanya. Ang binata ang nag-iisang anak ng mga Dizon. Umalis ito ng bansa na galit sa kanya. Pagkalipas ng walong taon, bumalik si Abel at binulabog ang mundo niya. Galit pa rin si Abel at si Gabby naman ay gagawin ang lahat para mapatawad ng binata. Inalila siya nito, tinanggap niya. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napatawad din siya ni Abel kalaunan. Pero isang araw, sinabi ni Abel na mahal siya nito. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito pumayag na ampunin siya ng mag-asawang Dizon. Malaki ang naging epekto niyon kay Gabby dahil sa totoo lang ay matagal na niyang iniibig si Abel. Mula noon ay ipinaramdam ni Abel sa kanya kung gaano siya kamahal ng binata. Gustong-gusto niyang maniwala, kahit pa maraming pagkakataon na naiisip niya na paraan lang ni Abel na paibigin siya at didispatsahin din dahil magpasahanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
The Ladies' Man meets Elli Gerardo by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,283
  • WpVote
    Votes 1,451
  • WpPart
    Parts 10
Kaya pala ng isang taong magmahal nang paulit-ulit sa iisang tao sa loob ng mahabang panahon kahit na sinaktan na siya nito. Nasa college si Elli nang makilala niya si Gideon. Isang kilalang personalidad si Gideon sa campus na kabaligtaran niya. Alam niyang hindi siya kagandahan at walang-wala siya kung ikokompara sa mga campus sweetheart. Oo, para siyang insecurity na tinubuan ng tao. Ngunit nag-a la Rapunzel sa haba ang buhok niya nang magkagusto sa kanya si Gideon. Heaven talaga ang feeling niya nang mga panahong iyon. Pero may bad news: hindi pala totoong in love si Gideon sa kanya. Kaya para hindi naman masaid ang pride niya, na siyang natitira na lang sa kanya, ay nagkunwari siyang hindi rin mahal ang lalaki. She asked her suitor, Craig, to be her pretend boyfriend until the end of the school year. Sampung taon ang lumipas bago muling nagkrus ang mga landas nila ni Gideon at sa pagkakataong iyon ay kailangan niya itong pakasalan para maisalba ang naghihingalo nang negosyo ng pamilya nila. Would they have their "happily ever after"? O maging sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin sila uubra?
In Love With A Love Guru by Andie Hizon by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 215,714
  • WpVote
    Votes 4,579
  • WpPart
    Parts 22
"Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako at hinding-hindi ako mawawala sa buhay mo." Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa buhay niya ay nagtungo si Gladys sa Maynila. Napadpad siya sa Alba's Residence, isang ladies' boardinghouse kung saan siya nakatagpo ng mga bagong kaibigan. So far so good ang takbo ng mga pagbabago sa buhay niya. Pero biglang nagulo iyon nang tuligsain ng isang DJ Zeph ang mga gawa ng mga romance writer na katulad niya. Worse, he did not do it once but twice! Aba't nawiwili yata ito? Sa inis niya ay tumawag siya sa programa nito sa radyo para depensahan ang mga romance novel. Nag-click sa mga listener ang tambalan-este, bangayan nila. Mukhang hindi lang panradyo ang chemistry nila dahil nang magkakilala sila nang personal ay may naramdaman siyang spark sa pagitan nila. Subalit kung kailan nagkakaunawaan na ang kanilang mga puso ay saka naman umeksena ang best friend slash first love nito. Bigla ay para siyang nawala sa eksena. Mauwi pa kaya sa totohanan ang "tambalan" nila?
In Other Words, I Love You by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 93,543
  • WpVote
    Votes 1,296
  • WpPart
    Parts 10
"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan ni Chrissa ang kanyang mga kapatid kaya siya napadpad sa Alba's, isang boardinghouse na para lamang sa kababaihan. Doon siya nakatagpo ng mga kaibigan, ng kausap, at ng karamay. Doon din siya nakatagpo ng love life sa katauhan ni Cider San Miguel, anak ng barangay captain sa lugar na iyon. Mabuting tao si Cider. Sa bawat araw na nakakasama niya ang lalaki ay nasiguro na niya iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito. Ngunit may iba pala itong hinihintay at siyempre, hindi siya iyon. He was still waiting for his missing girlfriend. Nang sabihin ni Cider kay Chrissa na maghintay siya hanggang sa kaya na nitong magmahal muli ay buong puso niya iyong tinanggap. Kaya lang ay bumalik sa eksena si Elaine, ang girlfriend ni Cider. Iyon na ang cue ni Chrissa para um-exit, and so she did. And to save her bruised ego, she told him she already had a fiancé. Bago man lang durugin ni Cider ang puso niya ay uunahan na niya ito. Hahayaan kaya ni Cider na mag-end ang hindi pa man nagsisimulang relasyon nila?
The Past Series: He Needed Me by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 58,971
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang mga lalaking naging dahilan ng kanya-kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig. Ang susuway ay mapaparusahan. Hindi mahirap para kay Valeen na sundin ang kasunduan dahil sobra ang galit at sama ng loob niya kay Landon-ang lalaking nakatakda sana niyang mapangasawa four years ago. Mahal na mahal kasi niya si Landon mula pagkabata. Umasa siya na mapapansin din ng binata lalo at naipagkasundo na siya rito. Pero nang ma-realize ni Landon na mahal pa rin nito ang ex-girlfriend, umatras ito at sa mismong araw pa ng kasal nila. Naiwan si Valeen na hindi lang napahiya sa mga tao kundi nagkadurog-durog din ang puso. At dahil sa nangyari, naging sobrang bitter siya pagdating sa pag-ibig. Pero biglang bumalik sa buhay ni Valeen si Landon-desperado at nangangailangan ng tulong. Sa kabila ng matinding galit, naawa siya sa binata at sa sinapit ng pamilya nito. Kaya lang, ang kondisyon para matulungan si Landon ay kailangang pumayag siya na ituloy ang naudlot na kasal nila noon. Natatakot siya hindi lang sa parusang matatanggap sa pagsuway sa kasunduan nilang magpipinsan, kundi lalo na sa posibilidad na bumalik ang dating pag-ibig kay Landon at masaktan lang kapag muli silang nagkasama.
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,495
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
Ang Suplado At Si Ma'am (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,270
  • WpVote
    Votes 2,049
  • WpPart
    Parts 10
Sorry sa typos and grammatical errors. Enjoy reading!
[COMPLETED] Snow & the Seven Princes by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 108,575
  • WpVote
    Votes 2,913
  • WpPart
    Parts 30
"Don't be too lovable, sasabog na ang puso ko." Nang palayasin si Snow ng madrasta, to the rescue ang matandang tinulungan niya sa isang aksidente-si Elissus San Gabriel, isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa. Pinatuloy siya ng matanda sa bahay, sa isang mansiyon. Parang nasa castle si Snow. At ang matanda naman ang nagsilbing fairy godfather niya. At siyempre may prince, dalawa pa nga: ang magkapatid na Jason at Cole. Noong una, mas napalapit si Snow kay Cole dahil laging kontrabida si Jason sa kanila. Hanggang sa dumating ang araw na mas nami-miss na ni Snow ang presensiya ni Jason kaysa kay Cole. Ang haba ng hair ni Snow dahil parang pinag-aagawan siya ng magkapatid. Pero biglang kumulot ang buhok ni Snow sa galit nang malamang ginagamit lang pala siya ng magkapatid. Ginawa siyang panangga ni Cole kay Jason dahil itinatago ni Cole ang babaeng talagang minamahal dahil aagawin iyon ni Jason. Dahil doon, umalis si Snow sa "castle." Nasa point na siya ng pagmu-move on nang um-appear sa eksena si Jason, acting like a prince saving his damsel in distress princess. Ayaw nang maniwala ni Snow kay Jason pero ang puso niyang makulit, nag-i-insist na bigyan niya ng chance ang binata. Could be it that Jason was his prince after all?