ThenIWontDream_
- Reads 1,262
- Votes 55
- Parts 45
Tama nga ba na umaasa si Janine? May chance ba na magkagusto si Luis sa kanya? Kung mangyayari man yun, Will She grab that chance? Sa kwentong ito, lahat ng nangyayari sa isang typical love story nababaliktad. Dito, ang babae ang naghahabol, ang umaasa. Sya lang ba talaga ang umaasa? Sya lang ba talaga ang nagmamahal? O pareho lang pala sila ng nararamdaman? Makakayanan ba nila ang lahat ng pagsubok, o bibitaw lang rin sila sa huli? Ang daming chance, ang daming bagay, at ang daming tanong na naghihintay ng sagot. Sabi nga nila, "In the end, we regret the chances we didn't take." So will they grab that chance, or will make a mistake? Ito ang "Let Me Grab That Chance - Book 1" ang kwento ni Janine at Luis na matagal na palang tinatago ang pagmamahal sa isa't isa. Pero syempre, nagbabago yun. Hindi mo masabi kung si Luis na ba talaga ang para sakanya, o isa lamang itong leksyon na magtuturo sakanya. Minsan, habang nagbabago ang takbo ng tadhana sa buhay natin, mapapaisip nalang tayo kung siya ba talaga ang para saakin, o yung taong katabi mo lang palagi? Si Luis ba na matagal nang mahal na mahal ni Janine, o si Racki na bestfriend nyang nagpaparamdam sakanya ng tunay na pagmamahal? O baka kaya may mga bagay na mangyayari na hindi inaasahan na babago sa buhay ni Janine?Ang kwento na magpapakilig, magpapaiyak, at magpapagalit sa inyo. Magugulat nalang kayo na may mga bagay pala na kahit sila pa ang pinakacute na couple pag magkasama, minsan hindi pala talaga sila para sa isa't isa. On - Going pa ang story na ito. Mag-u-update naman ako kapag may oras ako. Sana suportahan nyo at magenjoy kayo sa kauna-unahang kwento na ipupublish ko sa Wattpad. Stay tuned for the Chances Trilogy :)
*END OF DESCRIPTION*
Let Me Grab That Chance
By: Martha Jane Abad
All Rights Reserved 2016 ©✔️