iamJonquil
- Reads 1,539
- Votes 97
- Parts 6
Mula sa isang mayaman na pamilya na pinanggalingan Keisha, sino ba ang mag-aakala na halos pulutin na sila ng kaniyang ina sa lansangan matapos nilang maghirap? Paghihirap na hindi rin niya napaghandaan ng dahil sa kaniyang ama.
Kung babalikan ang nakaraan ni Keisha, para bang isang panaginip lang ang lahat. Dahil isang araw, magigising na lang siya na nasa isang squatter area na.
Maging ang kaniyang pag-aaral ay hindi niya natapos. Dahilan upang hindi siya basta-basta makakuha ng maayos na trabaho ngayon.
Saktong natanggal siya sa kaniyang pinagtatrabahuhan nang may sumadya sa kanilang bahay, may trabahong alok kay Keisha na hindi na niya natanggihan pa dahil hindi puwedeng matigil ang maintenance ng kaniyang ina.
Ang trabaho?
Isang kasambahay.
Nasanay na siya sa mga gawaing bahay kaya sisiw na iyon kay Keisha at agad niyang tinanggap dahil na rin sa maayos na sahod.
Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang magiging amo niya.
Walang iba kung 'di ang lalaking buong akala niya, hindi na niya makikita pa.
Si Tanner.
Ang lalaking kung puwede lang iwasan ngayon ay gagawin niya. Ngunit hindi na siya puwedeng mag-backout sa trabaho dahil sa isang pinirmahan na kasunduan.
Baliktad na ang mundo, higit na mas mayaman na ang lalaki ngayon. Hindi lang iyon. Dahil mas malamig pa ito sa yelo kung makitungo sa kaniya.
At sa bawat araw na lumilipas, palupit din nang palupit sa kaniya si Tanner na para bang ipinamumukha sa kaniya ang naging kasalanan niya rito noon at kung ano na lamang siya ngayon.
____________________________________________
Mababasa po ito sa 2nd VIP Group.
Pa-member na po sa nais itong masubaybayan. 😊
Message my FB Page: Author Jonquil for details ❤️❤️❤️