AddictSayou's Reading List
36 stories
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 2) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 176,499
  • WpVote
    Votes 22,092
  • WpPart
    Parts 81
Matapos niyang lisanin ang Takara para marating ang Kaharian ng Maraktan, magsisimula na si Frisco sa panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran. Nagawa niyang masagip ang buhay ng isang maharlika habang siya ay naglalakbay, at dahil sa maharlikang ito, malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay. Magagawa niyang marating ang Kaharian ng Maraktan at dito na magsisimula ang kanyang misyon para matupad ang pangako niya sa Takara. --
Si Frisco at ang Kaniyang Paraiso (Volume 3) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,164
  • WpVote
    Votes 116
  • WpPart
    Parts 1
Synopsis Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan. Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan? --
Legend of Divine God [Vol 17: Against the Devils] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 743,615
  • WpVote
    Votes 93,591
  • WpPart
    Parts 122
Synopsis: Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Divine Realm, walang dudang si Finn na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang emperador sa lahat. Matagumpay niyang napaslang si Kardris. Siya ang naging susi para maipanalo ng kaniyang hukbo ang digmaan. Ang lahat ay umaayon sa kaniyang plano, subalit, nagsisimula na ring magparamdam ang kaniyang mga totoong kalaban. Magagawa kaya ni Finn na makuha ang pamumuno sa alyansa na tutugis sa mga diyablo? At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na kaya sila na tuluyang matuldukan ang kasamaan ng mga kasuklam-suklam na nilalang? - Cover by @heysomnia Date started: Jan 1, 2025 (wattpad) Date ended: April 29, 2025 (wattpad)
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 83,601
  • WpVote
    Votes 7,384
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,128,303
  • WpVote
    Votes 157,133
  • WpPart
    Parts 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
Escape from Hell Book 3 by brose_fire
brose_fire
  • WpView
    Reads 69,941
  • WpVote
    Votes 4,555
  • WpPart
    Parts 68
Sa pagkamatay ng Lola ni Grimm ay mas naging determinado siyang talunin sa kanyang mga sariling kamay ang amang si Belphegor na isa sa Seven Prince of Hell... Alam niyang magagawa niya iyon dahil hindi siya nag-iisa sa laban niya.
ESCAPE FROM HELL BOOK 2 by brose_fire
brose_fire
  • WpView
    Reads 92,314
  • WpVote
    Votes 5,169
  • WpPart
    Parts 43
Continuation ng story ni Grimm... Sa pagharap nilang magkapatid sa kanilang ama na si Belphegor, nalaman nila ang isang katotohanan. Hawak nito si Kristoff, ang anak ng Kuya Gaunt niya kay Kristine at nagbigay ito ng hamon sa kanilang magkapatid na bawiin nila si Kristoff kung kaya nila iyong gawin...
ESCAPE FROM HELL by brose_fire
brose_fire
  • WpView
    Reads 118,275
  • WpVote
    Votes 6,175
  • WpPart
    Parts 43
Tungkol ito sa demon na si Grimm na trip na trip magpakabait....
IMMORTAL DESTROYER: LI CLAN [VOLUME 1&2] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 299,303
  • WpVote
    Votes 25,451
  • WpPart
    Parts 200
Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharian. Ang Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Li Xiaolong ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Li Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Li Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Li Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Li Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina? ... Pictures aren't mine. Credits to the owner Other Title/s: Supreme Asura
Just A Healer by Reon-kun
Reon-kun
  • WpView
    Reads 182,647
  • WpVote
    Votes 14,300
  • WpPart
    Parts 157
Lucas Galileo Mizutani, also known as the mage healer LGM Purifier, was given a quest to protect an Amulet inside the online game Leimhyark Online. Having access to an alternative account through that Amulet, he discovered a dangerous secret hiding within the game. Unbeknownst to him, that 'secret ' can cause the death of millions of people in the real world, once it falls into the wrong hands. Join Lucas and the Dominion of Orion Guild in their quest to protect the amulet, uncover the secrets of Leimhyark, and prevent him from getting captured in-game and in the real world. | Book 1 of the Celestial Route Sphere Series | Date Started Writing: March 2020 Date Posted: September 27, 2020 Date Finished: ******* Highest Rank Achieved: #1 in Sci-Fi [April 25, 2024] Cover Illustration commissioned from Eijie Diez. © Copyright of Reon-kun All Rights Reserved 2020