Time Domain ( girlxgirl One Shot)
dark19
- Leituras 5,500
- Votos 201
- Capítulos 1
Nainlove ka na ba? Siguro OO, Ako kase OO nainlove na ako, yung tipong hindi ako makamove on sa
sobrang pagmamahal ko sa kanya. Walang kaso pero kakaiba kase 'to mahirap ipaliwanag dahil hindi
kapanipaniwala pero nangyare talaga....paano ako nainlove sa kanya? Di kase tulad ng iba ito na
nagkabanggaan sa daan tapos nahulog yung gamit tapos nagkatitigan o kaya nagkakilala sa isang party
dahil may circle of friends kayo at ngayon lang nagkita o kaya parang aso at pusa na magkaklase o kaya
magkaofficemate tapos parang BOOM! Na swak pala kayo para sa isa't isa para sa forever...hiling ko
sana na sa ganung paraan kami nagkakilala kaso hindi! Nagsimula kase ang lahat ng ito ng mainlove ako
sa picture nya....ang weird no? pero doon talaga nagsimula iyon at ang malaking problema ko ay yung
time interval kung kailan sya nag-exist sa mundo at kung kailan ako pinanganak ng Mommy ko... nakilala
ko sya noong twenty two years old sya noong 1868 batay sa nakaukit sa frame ng pictures nya at ako na
nagexist kung saan bagong milenyo na at paligsahan na yung iba't ibang teknolohiya....ito yung kwento
ng pag-ibig ko kung saan ang kalaban ko ay ang panahon na mahirap ng ibalik at habulin....