Sphiiinx
Sa mundo kung saan takot ang lahat ng tao sa pagsapit ng dilim, dahil kasabay nito ay ang paglabas ng mga halimaw na kumakain ng tao na tinatawag nilang "Night Walkers", ang mga halimaw na ito ay lumalabas lamang tuwing gabi dahil may nakapagsabing ang mga ito ay natutulog tuwing umaga.
Mapayapa na ang pamumuhay nina Rin at ng iba nyang mga kasamahan dahil ang lugar nila ay may mga sundalong pumoprotekta sa kanila kung sakaling may umatake man sa kanilang Night Walker sa pagsapit ng dilim, ngunit nabago ang lahat ng may naganap na isang pangyayaring hinding hindi nila inasahan.