JaNaHWorXx
Walang naaalala mula sa kanyang nakaraan si Felicity. Sa halos anim na taon na paninirahan niyang mag-isa. Ang tanging naaalala niya lang ay ang kanyang pangalan. Ni hindi niya alam kung sino ang kanyang mga magulang o kung may magulang pa ba siya.
Pero paano kung isang araw ay may nagpakita sa kanya na isang lalaki na mula sa kanyang nakaraan. Paano niya haharapin ang misteryosong lalaki kung ito ay nagtataglay ng isang makapangyarihang mahika. Mahikang magpapabalik ng kanyang nawalang alaala... At alaala na magpapabago nang husto sa daloy ng kanyang buhay.