mycess01
Pag liko ni Alhena sa isang napaka habang pasilyo, lumiko siya sa kanan, sunod sa kaliwa, kanan, diretso. Paulit-ulit ang landas na tinatahak niya. Ngunit bawat kanto na kaniyang likuan ay may natatagong panganib.
"Alhena!!!" "Alpheraz Alphekka!!!"
Isang spell ang binigkas ni Achird. Alam niyang kailanman ay hindi papayagan ni Algena si Alhena na mabuo ang tamang daan.
Sa pagtilapon ng isang malaking alon mula sa banyo ng mga nakatataas ng Alchemar, sabay din ng pagtilapon ni Alhena.
"Alhena!!!"
Agad na tinakbo ni Achird patungo sa dalaga upang tingnan kung ayos lamang ito. Ngunit hindi, mayroon siyang hindi nakita.
May isa pang Alchemar ang naroroon sa Altair, ang lugar na punong-puno ng pasikot-sikot na daan.
Isang Alchemar na naunang saktan si Alhena na nag dulot ng pag tulo ng dugo nito. Ang Alchemar na kilalang kilala ng lahat.
"Alhena!! Huwag mo akong iiwan!!!"