JayrGingo1's Reading List
200 stories
Lord Of The Dead Beasts [Volume 2: Behind The Strings] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 93,500
  • WpVote
    Votes 8,888
  • WpPart
    Parts 70
Tuloy pa rin ang layunin ni Grim na maipaghiganti ang kaniyang sarili at ang kaibigang pinagmalupitan ng kanilang dating amo. Ngunit upang maisakatuparan iyon, kailangan muna niyang manatiling buhay. Sa pagpiling tumayo sa tabi ng magkapatid na Embers, kusang inilapit ni Grim ang kaniyang sarili sa panganib. Isa na rin siya ngayon sa mga tinutugis ng mga assassin na ipinadadala ng isang makapangyarihang mandirigma - isang lihim at hindi-kilalang kalabang handang pumatay para sa layuning hindi pa niya lubusang nauunawaan. Wala nang puwang para sa pag-aatubili. Kailangang higitan ni Grim ang hangganan ng kaniyang lakas at patuloy na lumaban - sapagkat sa mundong kanilang ginagalawan, sapat na ang isang pagkakamali upang tuluyang mawala ang lahat. Book Cover by: @Patzgeraldt Date started: April 01, 2025
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 90,263
  • WpVote
    Votes 7,703
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Si Frisco at ang Kaniyang Paraiso (Volume 3) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 52,481
  • WpVote
    Votes 6,874
  • WpPart
    Parts 33
Synopsis Sa mundong pinaghaharian ng mga maharlika, makapangyarihang organisasyon, at indibidwal na handang gamitin ang sinuman para sa sariling kapakinabangan, pinili ni Frisco na umiwas. Bagaman taglay niya ang potensyal, batid niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang makipagsabayan. Ayaw niyang magpaalipin, ayaw niyang magpagamit-kaya't pinili niyang pumasok sa Institusyon ng Nozque, isang kilalang paaralang naghuhubog sa mga may angking kakayahan. Ngunit ang kaniyang desisyon ay simula pa lamang ng mas malaking pakikibaka. Sa loob ng institusyon, makikilala niya ang mga taong magpapalawak sa kaniyang pananaw-kaibigan, kakompetensya, at mga lihim na konektado sa sikretong nais niyang matuklasan. Sa harap ng mga hamon, panlilinlang, at tukso ng kapangyarihan, kakayanin kaya ni Frisco na manatiling tapat sa kaniyang layunin? O sa huli, susukuan niya ba ang kalaayan para sa kapangyarihan? --
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 2) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 205,892
  • WpVote
    Votes 23,872
  • WpPart
    Parts 81
Matapos niyang lisanin ang Takara para marating ang Kaharian ng Maraktan, magsisimula na si Frisco sa panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran. Nagawa niyang masagip ang buhay ng isang maharlika habang siya ay naglalakbay, at dahil sa maharlikang ito, malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay. Magagawa niyang marating ang Kaharian ng Maraktan at dito na magsisimula ang kanyang misyon para matupad ang pangako niya sa Takara. --
Different Realms: The Alliance  by Jynx___
Jynx___
  • WpView
    Reads 14,425
  • WpVote
    Votes 1,041
  • WpPart
    Parts 78
Maraming positibo na tuluyang namayani na ang kapayapaan sa sanlibutan ngunit mali ang kanilang inaakala. At sa pagkakataong ito, madadamay ang mga simpleng tao. Magagawa nga ba ng mga tao na tanggapin ang mga taga-ibang mundo? O ito ay kanilang kamumuhian dahil kauri nila ang naghatid ng gulo?
Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 258,602
  • WpVote
    Votes 10,153
  • WpPart
    Parts 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo! Ito po ang Book III ng Joshua Lagalag Series . Para lubos na maintindihan, basahin po ninyo muna ang Book II ( Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it) at ang Book I ( Joshua Lagalag atang Aswang sa San Gabriel) Sana po ay mag-enjoy kayo at suportahan din ang aking gawang ito gaya ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong isinulat. Happy Reading! Special Thanks to my Cover Designer Ate Onang. Kuya Boyet13
Si Joshua Lagalag at ang  Engkantong Lunhaw by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 223,035
  • WpVote
    Votes 11,121
  • WpPart
    Parts 26
Magkakaibigang magkakasama sa saya, lungkot at pakikipagsapalaran. Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigan na pilit hinahadlangan. Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua, Angelo, Pitta at Danara laban sa mga panibagong kalaban. Mga engkantong mas mataas ang antas ng kapangyarihan. Mga engkantong hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Mga engkantong magpapabagsak sa Pamunuan. Malampasan kaya nila ang bagong pagsubok?
Hunting Project: ZONE (Book 9) by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 110,288
  • WpVote
    Votes 4,078
  • WpPart
    Parts 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto. Magsisimula na ang paghihiganti. Pababagsakin ang mga dapat bumagsak. Sa gitna ng malaking kaguluhan. Kaninong dugo ang susunod na dadanak. At sino sa kanilang mga anak Ang sa kasaysayan ay tatatak. Sino sa tatlong tagapagmana ang susunod sa natatanging posisyon. Dito na magsisimula ang Hunting Project Zone. ___________________________ All rights reserved Lena0209 June 2015
Hunting Project: ARJO (Book 8) by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 236,475
  • WpVote
    Votes 5,976
  • WpPart
    Parts 32
Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Nagunaw ang mundo nya sa pagkawala ng buo nyang pamilya Ngayon, magbabayad ang dapat magbayad. Maniningil na sya ng pagkakautang ng may atraso sa kanyang buong pamilya. Nagsimula nang matapos ang normal nyang buhay. Haharapin na nya ang kanyang tadhana. Lahat ng lihim ay isa-isa nang nabubunyag, at sya ang isang patunay na imposible ang normal na buhay sa mga hindi ordinaryong taong tulad nila. Magsisimula na ang hamon ng kamatayan sa bunga ng dalawang alamat ng kasaysayan nila Lakas laban sa lakas, tapang sa tapang ang labanan. Matira matibay. Magkakasubukan na ng tatag ng loob. Ito na ang pagsisimula na ang kanilang paghahanap. The Hunting Project begins.... The awesome bookcover is created by @RienRien05 ^_^ ang awesome talaga nya pramis! ______________________ All rights Reserved Lena0209 Book 8 of The Newly Weird Series
Project RYJO 7: Secrets of the Malavegas by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 405,425
  • WpVote
    Votes 12,885
  • WpPart
    Parts 51
Wala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Isang simpleng pamilya na lang ang kanilang common denominator ngayon. Siguro nga, normal na ang buhay nila. Pero hanggang kailan? Walang lihim ang hindi nabubunyag, At ang mga anak nila ang magpapatunay na imposible ang normal na buhay sa mga hindi ordinaryong taong tulad nila. Sila ang mga Malavega, at tuklasin natin ang sikreto ng kanilang pamilya. Pakibasa na lang po ang Book1: The Newly Weird. Book 7 na po ito. Lena0209 Copyright © October2014 All Rights Reserved Wag sanang i-plagiarize, please. Ang story na ito ay fiction. Libre mag-comment. ========================