jackscx
sa panahon ngayon lahat ng bagay natatapatan ng pera hindi ba? sabihin natin na, ito ang kinabubuhay namin. dito kami nakakakain, nakararanas ng maginhawang buhay, at lahat ng bagay nagagawa namin dahil dito kami kumikita. Oo masama, pero anong magagawa ko? ito ang nakasanayan kong gawin at higit sa lahat dito ko na binuhay ang sarili ko wala nang iba pa. Bayaran? Oo yan kami. Masama? Depende kung tataluhin kami o hindi, kumikitil kami ng buhay na wala ng silbi pa sa lipunan! May puso din naman ako hahaha. Kaso lang dugo ang nilalabas dito hahaha, hindi ko kailangan ng lovelife mga tol. Okay na sakin ang pera wala nang iba pa.