itsAmeerSieves
- Reads 1,544
- Votes 18
- Parts 13
Sabi nila, ang pag-ibig ay walang pinipili-edad, itsura, estado, o kasarian.
Pero paano kung ang taong matagal mo nang minamahal... ay best friend mo pa?
Si Alex, isang simpleng "tibo" na tahimik lang at mahilig magsulat ng kanta, ay matagal nang sanay na husgahan ng mundo. Pero ang tanging taong nakakaintindi at nagtanggol sa kanya mula high school hanggang kolehiyo ay si Miles-ang war freak, protective, at palangiting best friend na hindi alam kung saan siya lulugar kapag napapatingin kay Alex.
Sa likod ng tawanan, asaran, at halik sa noo, nakatago ang mga salitang hindi masabi.
Hanggang kailan nila mapapanatili ang isang "friendship" na unti-unting nilalamon ng mga lihim na damdamin?
Sa mundong mapanghusga,
may lugar pa kaya ang tunay na pagmamahalan ng dalawang pusong hindi tinatanggap ng lipunan?
"Hindi ko piniling maging ganito...
Pero pinili kong mahalin ka."