Raery_30
Minsan tanggera, minsan manginginom lang. Minsan taga-libre, minsan "buraot" lang. Minsan host ng beer session, minsan dayo lang para makainom. Mapa-bente, mapa-sampo... ang pagtoma ay mabisang paraan ng pagiging masaya.
Yan ang buhay ni Raya. Isang babaeng bachelor. Disente sa umaga, magbobote sa gabi - magbobote na nagtutumba ng mga bote ng alak.
Masaya. Kahit problemado, nangingibabaw ang saya.
Pero isang araw, ang pagiinom ay nagkaroon na ng ibang dahilan. Hindi na para lang magsaya, kundi para makasama ang taong biglang mahal na pala niya.
May mga bagay na kayang dalhin. Pasok mo sa bote, tapon mo sa dagat. Pero hindi ang nararamdaman. Lalo na sa isang kaibigan na kasama mo na sa iyak at tawa ng buhay mo at elemento na ng paborito mong chill hobby - ang pag-inom.