roque_pham
Isang taon na mula nang ikasal kami ni Ethan. Araw-araw nya akong napapasaya sa mga simpleng effort nya at na-appreciate ko ang mga yun.
Ngunit, bigla nalang nagbago ang lahat. Mula sa araw-araw na pagbibigay nya sakin ng mga red and white roses at pagpaparamdam sakin na isa akong Reyna nya naging malamig at malupit ang pakikitungo nya saken.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. ang sakit sakit na pero hindi ako susuko, hindi ko sya iiwan. Kakayanin ko lahat, martir na kung martir mahal ko sya e at gagawin ko lahat mabalik lang ang dati naming pagsasama.