Emmahinasyon
Pag-ibig.
Namutawi ko habang tinanong ang sarili kung ano pa nga ba ang kulang.
Akala ko, ayos lang kahit wala yun. Magiging masaya pa rin ako.
Sa pagdaan ng maraming araw, nakakaramdam na ako ng kalungkutan. Para bang may kulang na tanging pupunan sa kalungkutang iyon.
Nagpagtanto kong, kay tagal na pala simula nung huli ko yung naramdaman. Halos nakalimutan ko siya.. dahil totoong winaglit ko siya sa isipan ko.
At ngayon, Ilang taon na rin nga ba akong naghihintay? Sabi nila may nakalaan naman para sa'yo.
Naisip ko, Bakit ang tagal? Gaano ba katagal dapat akong maghintay?
Matagal na akong naghihintay, masasabi kong nakakapagod na rin.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin.
Siguro, ganito talaga ang buhay ko. Nakatadhang magmahal, pero sa bandang huli mag-isa pa rin.