CRIMES AND MYSTERIES 2: EMERGENCY ROOM
aynadanowmar
- Reads 18,339
- Votes 488
- Parts 21
Isang kakatwang pangyayari sa isang Emergency Room ilang taon na ang nakalilipas ang paulit-ulit na napapanaginipan ni Carla. Bilang isang clue seer, alam niyang isa na naman itong clue sa isang panibagong krimen at nakahanda siyang lutasin kung anuman ang krimeng ito sa tulong ng kanyang mga kaibigang sina Lou, Fille at Erno.Ang nakapagtataka ay hindi lamang si Carla ang nananaginip nito kundi maging ang isang estudyante sa ibang unibersidad na nagngangalang Jessy.Nagtagpo ang landas nina Carla at Jessy sa isang prestihiyosong paaralan, ang School of Excellence, na itinatag upang hamunin ang angking talino ng pinakamagagaling na estudyante sa buong bansa. Ngunit talino nga kaya ang batayan para maimbitahan sa paaralang ito? Ano ang kinalaman ng pangyayari sa isang Emergency Room sa magiging kapalaran ng mga piling mag-aaral na nakapasok sa School of Excellence?