dominguezlie's Reading List
118 stories
Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIR by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,772,250
  • WpVote
    Votes 47,991
  • WpPart
    Parts 73
Maki Frias had always been a mystery. Hindi lang para sa mga residente ng Bachelor's Pad kundi para din sa kanyang sarili. Hindi niya alam ang kanyang pinanggalingan. He didn't remember anything about his life before he was five. Dahil doon, para siyang laging naglalakad sa dilim. Growing up without somewhere to belong to could do that to a person. Mabuti na lang at nakilala niya si Allen Magsanoc. Mula pagkabata, ang babae na ang nagsisilbing ilaw ng kanyang buhay. She was his family, his best friend, his superhero, and his only love. Allen was someone he could call his home. Pero noong college sila, nakagawa si Maki ng malaking kasalanan, dahilan kaya nawala kay Allen ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito. Ang masama pa, habang nagdurusa ang dalaga, kinailangan ni Maki na mawala nang hindi nagpapaalam. Years later, muli silang nagkita. Katulad ni Maki, ibang-iba na si Allen kaysa dati. This time, he wanted her to be a permanent part of his life. Ang problema, galit na galit sa kanya si Allen at wala itong balak na magpatawad.
Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONIST by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,043,752
  • WpVote
    Votes 25,632
  • WpPart
    Parts 37
Matagal nang magkakilala sina Apolinario Monies at Sheila Ignacio pero hindi sila magkaibigan. 'Katunayan, palagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. But at the night of Sheila's best friend's wedding, they had a truce. Nakapag-usap sila tungkol sa maraming bagay nang hindi nag-aaway. They got too comfortable and too reckless that they ended up sleeping together. It was supposed to be a one-time thing. Pero hindi na nawala ang physical attraction at kakaibang connection nina Sheila at Apolinario. Ang problema, wala silang romantic feelings sa isa't isa. Gumawa sila ng kasunduan-isang no-strings-attached physical relationship hanggang sa parehong mawala sa sistema nila ang isa't isa. Ang hindi inaasahan ni Sheila ay tatagal nang maraming buwan ang "arrangement" nila. Namalayan na lang niya, in love na siya kay Apolinario. But the arrangement had to end. Kailangan na kasing magpakasal ni Apolinario sa ibang babae-isang pangako sa namatay na ina, na kailangang matupad kahit pa ang kapalit ay ang sariling kaligayahan. Si Sheila naman, kahit in love na sa binata ay mas komportable sa isang casual relationship. Para kasi sa kanya, ang commitment, lalo na ang kasal ay parang isang preso na mahirap labasan. But one day, Sheila got into a car accident that almost killed her. Naging wake-up call iyon para sa kanila ni Apolinario. Nakahanda na ba siyang makulong sa isang relasyon? At si Apolinario, nakahanda rin bang talikuran ang pangako sa ina?
Class Picture Series 6 - The Spoiled Brat and The Bad Boy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,166
  • WpVote
    Votes 1,075
  • WpPart
    Parts 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Class Picture Series 4 - January For August by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 39,779
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 19
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reunion ng klase nila noong high school. Hindi niya inasahang ang binata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya na maging isang singer. August was one hell of a handsome guy. Napakabait din. At hindi maikakaila ang attraction nila sa isa't isa. Ganoon na lang ang kasiyahang naramdaman ni January nang sa wakas ay magtapat si August ng pag-ibig sa kanya. Akala niya, hindi magkakaroon ng gusot sa kanilang relasyon. Hanggang sa sumulpot ang isang babae na nagsasabing paglalaruan lang siya ni August.
Class Pictures Series 3 - High School Flame by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 58,379
  • WpVote
    Votes 1,900
  • WpPart
    Parts 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
Class Picture Series 2 - My Secret Crush and Fantasy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 96,197
  • WpVote
    Votes 3,215
  • WpPart
    Parts 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay niya sa eroplano si Alejo Sampana. Hindi kailanman niya maaaring makalimutan ito. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muling pagkikita nila, natanto niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatiling nakadambana ito sa kanyang puso. Ngunit tila may mabigat na dinadala ito sa dibdib. Nakikita niya iyon sa malungkot na mga mata nito. Maybe she could do something to erase that pain... with all the love she had for him...
Class Pictures Series 1 - My Lover, My Best Friend by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 171,825
  • WpVote
    Votes 4,813
  • WpPart
    Parts 32
Mula noon hanggang ngayon, palagi nang nagsisilbing anghel sa buhay niya si Amor. At hindi niya inakalang sa kabila ng mga taong lumipas ay makakagawa pa rin ito ng bagay na maglalayo sa kanya sa kapahamakan. Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion para sa batch nila noong high school. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan siya nitong ayusin ang reunion nila. Pero imbes na ang reunion ang asikasuhin nila, nauwi iyon sa komplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy nila sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nila sa isang napaka-intimate na sitwasyon. At buong bayan yata ang nakaalam niyon! Siguradong kapag kinompronta sila ng kanya-kanyang pamilya, isa-suggest ng mga ito na magpakasal sila. Ano ang gagawin nila? Magagawa ba ni Amor na tumangging magpakasal kay Joel? After all, she had been loving him all her life.
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,050,499
  • WpVote
    Votes 49,270
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,935,815
  • WpVote
    Votes 37,788
  • WpPart
    Parts 28
"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!" Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfriend, apprentice sa kompanyang pag-aari ng daddy nya, higit sa lahat: Hindi nito pinapansin ang panunukso niya. Pero bakit laging naroon si Vince sa tuwing kailangan niya ito that she became dependent on him? When Vince left, it broke her heart. Now, he was back after four years. CEO and general manager ng bangkong pag-aari ng mga magulang niya. Hindi lang ang bangko ang hinahawakang tungkulin ni Vince sa pagbabalik nito. He also assured his role as her self-appointed big brother. What now? Nawala nga ang crush niya rito, nahalinhinan naman ng mas malalim. She was falling in love with him.
Sweetheart Series 1 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,751,261
  • WpVote
    Votes 40,174
  • WpPart
    Parts 27
"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Makapanatili ba ang magandang pagibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz ay tumalikod sa pangako.