RotInPieces
- Reads 599
- Votes 17
- Parts 14
Sa huling taon ko sa Malcolm Memorial Academy, lumipat ako ng morning schedule para sa regular classes dahil na rin sa kahilingan ng kaibigan kong si Hara. Hindi ko inakalang sa isang iglap ay babaliktad ang mundo ko – naging sunud-sunuran ako sa bawat utos ng masungit at matapobreng student council president na si Ryuu a.k.a. Chihuahua. At ang masaklap, pangalan ko ang nakalagay sa yearbook na "Most Likely to be Killed." Idagdag pa ang pagbuntot ni Ethan – ang basketball player na pinaglihi sa kabute.
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko?
A. Pakiusapan si Hara na bawiin ang kahilingan niya at bumalik sa afternoon session.
B. Pagbuhulin sina Ryuu at Ethan kasama lahat ng kampon nila sa campus.
C. Hiramin ang invisibility cloak ni Harry Potter.
D. Play dead.
E. Walang choice E. Hindi ito exam.
Ako si Dee. Hindi ko pinangarap maging si Makino Tsukushi (Hanayori Dango); pero sa lahat ng kaguluhang nangyayari, aabot pa kaya akong buhay sa graduation day?