jay-el-ae-bee's Reading List
23 stories
Seasons' Love And Friendship by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 74,264
  • WpVote
    Votes 1,748
  • WpPart
    Parts 33
Stressed si Summer dahil ang ex-boyfriend niyang si Spring, boyfriend na ng female best friend niyang si Autumn. At ang male best friend naman niyang si Winter na nag-iisang constant sa buhay niya, nag-confess na in love daw sa kanya. Seasons change indeed----so does their friendship. (NOTE: This is the unedited version. Please excuse the grammatical and typo errors. Thank you.)
I Married The Wrong Guy by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 199,264
  • WpVote
    Votes 3,910
  • WpPart
    Parts 31
Yoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong guy! (NOTE: This is the unedited version. You can buy the book version at any Precious Pages store or NBS branch near you. Thank you.)
A Fabricated Romance: The Girl In The Journal by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 108,028
  • WpVote
    Votes 2,485
  • WpPart
    Parts 20
"It's funny how I came to love so many things because of you. I was a better man before than I am today. Because I had you then." Napilitan si Kring-Kring na gumawa ng pekeng love story sa kanyang blog at pinalabas na boyfriend niya ang guwapong schoolmate na si Paul Christian. Naging viral ang ginawa niyang kuwento. Pero dahil din sa kuwentong inimbento niya ay naghiwalay sina Paul Christian at ang girlfriend nito kaya nagalit sa kanya ang ultimate crush niya. Nang muling magpakita si Paul Christian kay Kring-Kring pagkaraan ng limang taon ay napag-alaman niyang nagkaroon ito ng amnesia at hinahanap ang ex-girlfriend nito. Nalaman din niyang umupa si Paul Christian ng private investigator at siya ang lumabas na "ex-girlfriend" ng binata sa imbestigasyon. Iyon din ang panahon na problemado si Kring-Kring kung saan kukuha ng pambayad para mabawi ang titulo ng bahay nila. Nakipag-deal si Paul Christian sa kanya. Simple lang ang deal na napag-usapan nila: pakakasalan niya si Paul Christian para makuha ng binata ang mana nito. Bilang ganti ay babayaran ni Paul Christian ang halaga ng titulo ng bahay ni Kring-Kring na isinanla ng kanyang kapatid. Pero hindi inasahan ni Kring-Kring na ilang linggo pa lang ang lumilipas ay bumabalik na ang dati niyang nararamdaman para kay Paul Christian. Naging sweet, mapag-alaga, at ipinaramdam ng binata sa kanya na mahal siya nito. Maganda ang naging samahan nila dahil pinaniwala ni Kring-Kring si Paul Christian na may "nakaraan" sila. Naging masaya si Kring-Kring sa kinalabasan ng ginawa niyang kuwentong-pag-ibig nila ni Paul Christian. Hanggang sa bumalik ang babaeng naaalala ng binata na minahal nito: si Veronika, ang babaeng naaalala at totoong ex-girlfriend ni Paul Christian.
My Fiance is a Cyborg (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 83,336
  • WpVote
    Votes 2,770
  • WpPart
    Parts 27
[PUBLISHED under LIB/Pastrybug] Misha's estranged fiance, Seth, was a first-class jerk. He was even compared to a cyborg- unfeeling and cold. Everyone hates him. Kaya sa takot na madamay siya sa galit ng mga tao sa lalaki, pinilit niya ito na itago ang relasyon nila. Pero naging mahirap ang pagtatago sa sekreto niya nang mapilitan siyang lumipat sa university na pinapasukan ni Seth. From there, things started to change fast. The supposedly insensitive robot started to show her his human side. Naging mabait ito sa kanya, maalaga at kahit nagsusungit, ramdam niya ang pag-aalala nito. She finally allowed Seth back into her life, and even inside her heart. Pero kung kailan akala niya ay maayos na ang lahat, saka naman parang nag-"malfunction" si Seth. The cyborg was suddenly back, breaking her heart once again.
Luna Ville Series 1: Lovely Magic Fountain (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 126,514
  • WpVote
    Votes 4,446
  • WpPart
    Parts 28
"I can stop dreaming now, because finally, the reality where you're here beside me, that I can hold you like this, is better than any dream." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak. Doon naman umentra si Alaude-ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalan ang nagawa nito sa kanya, nag-a la "fairy godmother" niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming. Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng "signs" na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana-nangyari ang lahat ng signs! Pero kung kalian naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 123,727
  • WpVote
    Votes 4,383
  • WpPart
    Parts 29
"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumayag si Moana na magpanggap bilang "Monina" at sumugod siya sa Luna Ville kung saan nakatira ang fiance ng kakambal niya--si Sley Enriquez. Iisa lang naman ang misyon niya: ang guluhin ang buhay ng binata upang umurong ito sa engagement "nila." Ginawa niya ang lahat para inisin ito mula sa pagiging pasaway hanggang sa pangugulo sa bahay nito. But Sley turned out to be the nicest guy she had met in her whole life! Not to mention the most gorgeous man she had laid her eyes on, too. Pasensiyoso ito at maalaga pa. Isang ngiti lang nito, kinikilig na siya. Hanggan sa dumating ang hindi niya inaasahan -- kabaligtaran ng plano niya ang nangyari. Instead of hating her, Sley actually fell in love with her. Paano na ang misyon niyang paurungin ang binata sa kasal nito at ng kakambal niya kung bigla-bigla ay mahal na rin niya ito?
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 88,867
  • WpVote
    Votes 3,375
  • WpPart
    Parts 26
"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino siya ay ang mga taong kumupkop sa kanya-ang kambal na sina Melou at Stein. Pero wala rin palang alam ang magkapatid tungkol sa kanya maliban sa kanyang pangalan. Sa kabila ng mga katanungan niya tungkol sa pagkatao niya, may kumompleto pa rin sa kanya. At si Stein iyon. She was so comfortable with him she found herself falling in love with him. Minahal din siya ng binata sa kabila ng ikli ng panahong nagkakilala sila. He even proposed marriage to her during the legendary Luna Queen's Night in their village. Ang akala niya, magiging masaya na sila. Pero kung kailan naman maayos na ang lahat, saka naman bumalik ang isang lalaki mula sa nakaraan niya. Kasabay ng pagbabalik nito sa kanyang buhay ay ang pagbabalik din sa kanya ng mga alaala niya. Now she had to choose which string she had to cut: the string that connected her to her past, or the string that connected her to Stein.
Change of Blood by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 38,223
  • WpVote
    Votes 1,172
  • WpPart
    Parts 15
"You're afraid of me, Jinny. But why? Mukha ba 'kong nangangagat?" Naniniwala si Jinny na mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot sa kuya niya. Maraming parte ng childhood memory niya ang nawawala pero ang bite mark sa kanyang leeg ang patunay na may bampirang umatake sa kanya noong bata pa siya. Kaya nang magkaroon ng sunod-sunod na kidnapping cases sa academy nila, alam agad ni Jinny na mga bampira ang nasa likod niyon. Dahil sa pag-iimbestiga, nalaman niya na bukod sa kanya ay may isa pang target ang mga kidnapper-si Lucho, ang guwapo pero misteryoso niyang classmate. Thanks to her "gift," Jinny could easily tell that he wasn't an ordinary mortal. Napatunayan niyang tama siya dahil nang gabing umatake ang mga bampira ay dumating si Lucho at iniligtas siya. Nalaman niyang isa itong Bloodkeeper o nilalang na kalahating mortal-kalahating bampira. Bilang proteksyon niya, nag-volunteer ang lalaki na maging bodyguard niya. Ibinaba rin nito ang depensa at pumayag na mapalapit siya rito. Jinny wanted to return his kindness, really. Pero nang malaman kung sino ang kalaban ni Lucho, na-realize niyang kailangan niya itong traidurin kahit pa ikamatay niya.
Miss Danger Finder by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 111,446
  • WpVote
    Votes 4,097
  • WpPart
    Parts 51
Rara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend or a foe?
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 99,826
  • WpVote
    Votes 3,873
  • WpPart
    Parts 28
"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni Crey kahit akitin pa niya ang binata. "I 'll make him fall for me," deklara ni Pearl dala ng galit. But because of her work as a bodyguard, kilos-lalaki siya. Kaya hiningi niya ang tulong ng pinakamalanding lalaking nakilala niya-ang amo niyang si Primo-para mas maging feminine. Pagkatapos ng matinding pagtatalo ay pumayag din si Primo na maging beauty coach niya. Subalit sa halip na pagandahin ay nilalandi lang siya ng kanyang amo. Hindi akalain ni Pearl na hindi pala siya immune sa mga kindat ni Primo, for she found herself falling in love with him. But a playboy like Primo would and could never stay faithful to one woman. Isang araw, natuklasan ni Pearl ang sumpa ng pamilya ni Primo, na naisip niyang maaaring dahilan kung bakit takot itong magmahal. Pero itinanggi iyon ng binata at binitiwan ang mga sumusunod na salitang dumurog sa kanyang pag-asa: "Hindi ako tatablan ng sumpa dahil wala naman akong balak na magkaroon ng pamilya."