Akinna
101 stories
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,629,091
  • WpVote
    Votes 586,613
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,098,642
  • WpVote
    Votes 187,691
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,205,590
  • WpVote
    Votes 137,197
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,665,843
  • WpVote
    Votes 307,264
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
too close // z.chenle by no_jams_club
no_jams_club
  • WpView
    Reads 62,413
  • WpVote
    Votes 3,375
  • WpPart
    Parts 11
❝Please don't stand too close to me...❞
The Bathroom Love Affair by xPANICx
xPANICx
  • WpView
    Reads 533,824
  • WpVote
    Votes 17,880
  • WpPart
    Parts 34
Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo ng kanilang landas, mapatutunayan nila na ang pag-ibig ay isang bagay na kailanman ay hindi mapaghahandaan. (08/10/2019) 1. Physical copy published under PopFiction. Available online and on bookstores. 2. Audiobook published under SeryeFM. Available on Spotify, and their app and website. 3. English translation published under Giraffe Media, a Singapore based publishing company. Available online.
The Devil's Trap by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 14,377,937
  • WpVote
    Votes 661,962
  • WpPart
    Parts 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging biktima ng kumakalat na serial crime. But when her best friend never came back one night, napagtanto ni Denise na maaaring nangyari na ang kinatatakutan niya. Now it's too late and everything is a mess. Lalo na noong nasangkot sa insidente ang pangalan ng lalakeng yon- Landon Clifford Monaghan, the guy she did everything to avoid. Subalit dahil sa nangyari mukhang mapipilitan siya na muling harapin ito at masangkot sa mga bagay na matagal niyang iniwasan. THE DEVIL'S TRAP. Genre: Fantasy, Vampire, Romance, Adventure Written by: april_avery All Rights Reserved 2015 ©
The Jerk is a Ghost by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 14,153,490
  • WpVote
    Votes 618,580
  • WpPart
    Parts 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A GHOST. Genre: Fantasy Teen Fiction Romance Adventure Written by: april_avery
Living with a Half Blood by april_avery
april_avery
  • WpView
    Reads 25,585,586
  • WpVote
    Votes 1,007,216
  • WpPart
    Parts 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silang dalawa lang ang nakatira doon. There are certain times Laura feel someone's presence inside the place. Isa pa ano bang meron sa third floor bakit hindi pwedeng pumunta doon? LIVING WITH A HALF BLOOD Genre: Fantasy Mystery Adventure Romance "She may not be living with normal people." written by: april_avery
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan by CeCeLib
CeCeLib
  • WpView
    Reads 69,730,284
  • WpVote
    Votes 1,242,560
  • WpPart
    Parts 29
She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pakiaam sa iba, pero pagdating sa sekretarya niyang palaging dahilan ng pagsakit ng ulo at puson niya, nawawala siya sa tamang huwisyo. Lysander knew where this was leading him... but would he risk it? There's a possibility that he might lose the most efficient secretary he ever had. ... but there was also a big possibility that he might lose his head if he didn't risk it. CECELIB | C.C. WARNING: MATURE CONTENT | R-18 COMPLETED