Mjjulcy's Reading List
8 stories
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,295,527
  • WpVote
    Votes 88,331
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,528,306
  • WpVote
    Votes 585,217
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
The F- Buddies by LenaBuncaras
LenaBuncaras
  • WpView
    Reads 2,737,401
  • WpVote
    Votes 73,257
  • WpPart
    Parts 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelist na si Gregory Troye, hindi niya inaasahang matatawid ang mga limitasyong ibinigay niya sa sarili para lang sa inaakala niyang tunay na pagmamahal. Sa sandaling halos ipamukha na sa kanya ng tadhana na mali siya ng mga naging desisyon sa buhay, mapaninindigan pa kaya niya ang paniniwalang walang happy ending kung ang inaakala niyang ending ay magdudulot sa kanya ng tunay na kahulugan ng salitang "happy?" Para matapos ang kuwentong hindi naman tungkol sa dalawang taong nagmamahalan, pero tungkol sa love; ano nga ba ang kailangan niyang gawin para matapos ang kanyang pinapangarap na collab? At sa di-inaasahang pagsasama ng dalawang taong hindi naman ganoong nagtagal, mahahanap niya sa di-inaasahang pagkakataon ang perpektong kasagutan sa tanong na "Naranasan mo na bang magmahal?" Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Illustration by Sempiternal Artist ******** The F- Buddies © 2019 by Elena Buncaras ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the prior written permission of the author, except brief quotes and lines used in some description, written specifically for inclusion in this book. This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental. 09/05/19 -09/27/19
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,455,683
  • WpVote
    Votes 583,573
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?! by lil_MissBlue
lil_MissBlue
  • WpView
    Reads 8,474,998
  • WpVote
    Votes 236,676
  • WpPart
    Parts 43
What if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anong gagawin mo? Ugh!! I hate my stupid life! Sa dinami-dami ng mga babae bakit ako pa?! Ugh!! I'm so doomed!
My Devil Husband by winglessbee
winglessbee
  • WpView
    Reads 7,734,471
  • WpVote
    Votes 128,260
  • WpPart
    Parts 62
She thought arranged marriages are just for Chinese. Pero nagkamali siya nang siya mismo ang ipinagkasundo ng sariling pamilya sa nag-iisang apong lalaki ng kaibigan ng Lolo niya. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil ang lalaking pakakasalan niya ay isang mayabang, arogante at masama ang ugali na walang ibang ginawa kundi inisin siya kapag nagtatagpo ang landas nila at ginagawa nito ang lahat ng paraan para lang mapaatras siya sa kasunduan. Will their hate for each other eventually turn into love or will the hate gets worst that may cause war between the two families?
MY LAST 5 DAYS WITH HIM (SHORT STORY) by ChinChinq
ChinChinq
  • WpView
    Reads 288
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 8
TWO WORLDS (ON GOING- EDITING) by ChinChinq
ChinChinq
  • WpView
    Reads 5,182
  • WpVote
    Votes 271
  • WpPart
    Parts 29
TWO WORLDS || Ongoing STORY || TW: PROLOGUE Meet Allison Madox ang babaeng maldita at bully. Wala siyang pinipiling mapag tripan mapa bata ka man, matanda, babae o lalaki kaya siya ang itinanghal bilang "Queen of the Bullies" sa Campus nila. Maagang namatay ang kanyang ina dahil sa malubhang sakit at ang kanyang ama naman ay nakahanap na ng kapalit. Kaya nagsimula siyang mag rebelde ng hindi na siya pinagtutuonan ng pansin ng kanyang ama dahil mas nakatuon na ito sa kabet niya at ang anak nito. Dahil sa sobrang katigasan ng kanyang ulo, pinarusahan siya ng kanyang ama na doon manirahan si Allison sa hacienda Rufino kung saan naninirahan ang kanyang mamela. Habang nandoon siya ay may kakaiba siyang nararamdaman. Pero paano kung ang isang maldita at bully na si Allison ay napunta sa taong 1890?. Magagamit parin kaya niya ang kanyang pagiging maldita at bully sa sinaunang panahon?. O di kaya mahahanap niya ang kanyang katapat sa ikalawang mundo sa taong 1890? A/N: Ang storyang ito ay hindi katotohanan at kathang isip lamang ng author, expect some typo error and grammar. EDITED!