Vinzkaizen
- Reads 3,398
- Votes 64
- Parts 1
Sa isang malaking unibersidad sa batangas
ako nag aaral. BSIT ang aking kursong kinukuha. Dun ko nakilala ang isa pang
nagpapatibok ng aking puso. Taga mabini, Batangas siya. Lage akong inspirado sa
tuwing makikita ko si crush.
Makita ko lang siya ay buo na ang araw ko.
Tila kahit hindi na ako kumain ng tanghalian ay busog na ako Makita ko lang ang
crush ko. Si SCHOOLMATE. Minsan wala na ako pakialam sa sinasabi ng iba na
hinding hindi ako magugustuhan ng crush ko. Dahil artistahin daw yun
samantalang ako e dugyotin. Sinabi ko na lang na tao din yun, kahit pa anung
itsura nya e siguradong magugustuhan nya din ako kahit ordinary lang itsura ko.
Sa tingin ko kasi malakas naman ang sex appeal ko kahit hindi ako artistahin.
Walang taong perpekto. Lagi na lang ako nalilibugan sa tuwing nakikita ko ang
aking crush. Siya na ata ang pinakamasarap sa aking paningin dahil katawan pa
lang niya, ulam na. Kanin na lang ang kulang. Minsan, nagkasalubong kami sa
hallway ng isang building kung saan may klase ako. Malayo pa lang alam ko ng
siya iyon.
Sobrang saya ko pag nakikita ko siya. Hindi
ko alam kung anu iisipin ko pero sobrang saya ko. Pakiramdam ko type nya din
ako kasi tuwing magkakasalubong kami nakatingin ako sa kanya at tinitignan nya
din ako. Sa tuwing kinukwento ko sa mga kaklase ko ang mga nangyayari sa akin,
sinasabihan nila akong Fil-Am. Feelingerong Ambisyoso. Masakit man kahit biro
lang pero hindi ko na lang pinapatulan. Dahil ayaw kong masira ang araw ko na
binuo ng crush ko.
Minsan iniisip ko na magpakilala ng
personal sa crush ko. Minsan gusto ko din ipagtanung kong anu ang numero niya.
Gusto ko gumawa ng sarili kong hakbang para mas makilala si crush. Ang una kong
ginawa ay hinanap ko siya sa peysbuk. Nakita ko naman siya. Hindi ko Makita ang
iba niyang larawan sa peysbuk dahil hindi pa kami friends kaya ini add ko muna
siya. Lumipas ang ilang araw, hindi pa niya ako ina accept. Naisip ko baka
hindi pa siya nagpe-peysbuk.
ITUTULOY...