KRIS_sy05's Reading List
2 stories
SECOND CHANCE AT LOVE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 79,561
  • WpVote
    Votes 3,326
  • WpPart
    Parts 21
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin." "Dati naman, hindi ka nagtatrabaho," ungol pa ni Mickey. "Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. 'Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?" kunwa ay sumbat niya rito. Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. "Mommy, ha?" Nanggagalaiti ito. "Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy," madiplomasya niyang tugon. "See, you're growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you're getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, 'di ba?" "You mean, you don't intend to get married again?" Nagban¬gon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa "pag-aasawa" niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. "Mickey, hindi natin alam. 'Di ba, there are things that come unexpectedly?" "Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy." "And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Pero, 'di ba, we could give love naman to everybody?" "Basta!" Mas may diin ang tono nito. "I don't want you to get married again."
PRETENDERS IN LOVE by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 175,904
  • WpVote
    Votes 7,097
  • WpPart
    Parts 30
Kung may pagpipilian lang si Yssa, hindi siya uuwi sa Sto. Cristo. Kahit na nga ba kasal iyon ng stepsister niyang si Diane. Iyon nga ang mabigat na dahilan. Diane was going to marry Jonathan, her ex... er, sa mas eksaktong salita, he was her former fiancé. Mike, her best friend wanted her to go. Dahil hindi daw puwedeng walasiya sa okasyon iyon na dapat at present ang buong pamilya. Kung hindi lang awkward ang sitwasyon, natural gusto din niyang daluhan ang ganoong okasyon. Nag-suggest ito na samahan siya sa pag-uwi at magpanggap silang engaged. He even gave her an engagement ring as proof of their so-called relationship. What a moral support coming from a man best friend! Ngayon nga ay maya't maya ang tingin niya sa suot na singsing. Bagay sa daliri niya ang napakagandang singsing na iyon na hindi rin maikakaila ang kalidad. Kaya lang, may panghihinayang din siyang nararamdaman sa tuwing maiisip niyang pagkukunwari lang ang lahat.