AnMei14
“Sino ka ba talaga?” Narinig kong tanong ko sa kanya. Pigilan ko man ang sarili ko, hindi ko na kayang pigilang tumulo ang luha ko.
Tinignan niya ako, pang-uunawa ang hiling ng kanyang mga matang dating puno ng buhay. “Ako pa rin ‘to. Walang pagbabago.”
---
Mahirap makalimot. Kung simpleng project nga lang na maiwan mo sa bahay ang laking epekto sa'yo, eh paano pa kaya kung yung nakaraan mo ang hindi mo na maalala? Yung para bang isang libro na wala kang idea kung paano nagsimula kasi napunit yung mga unang pahina. Tapos may mga makiki-epal pa. Nakakabad-trip, diba?
Pero, paano kung bumalik sa'yo ang nakaraang hindi mo alam? Anong gagawin mo?
Ito ang kuwento ko.